Return to BahaiPrayers.net
Facebook
O Diyos, panariwain at bigyang-galak ang aking espiritu. Dalisayin ang aking puso. Tanglawan ang aking mga kakayahan. Lahat ng aking mga gawain ay ipinagkakatiwala ko sa Iyong kamay. Ikaw ang aking Patnubay at ang aking Kanlungan. Hindi na ako malulungkot at magdadalamhati pa, ako ay magiging isang nilalang na maligaya at lipos ng tuwa. O Diyos, hindi na ako mapupuspos ng bagabag, ni hindi ko na tutulutang pahirapan pa ako ng mga kaguluhan. Hindi ko na pagkakaabalahan ang di kasiya-siyang mga bagay sa buhay. O Diyos, Ikaw ay higit na kaibigan sa akin kaysa ako sa aking sarili. Inihahandog ko ang aking sarili sa Iyo, O Panginoon.
- `Abdu'l-Bahá