Return to BahaiPrayers.net
Facebook
Paano ko mapipiling tumulog, O Diyos, aking Diyos, samantalang ang mga mata nilang naghahangad sa Iyo ay gising dahil sa kanilang pagkahiwalay sa Iyo; at paano ako makahihiga upang mapahingalay samantalang ang mga kaluluwa ng mga umiibig sa Iyo ay labis na naghihirap sa kanilang pagkalayo sa Iyong harapan?
Naipagkatiwala ko, O aking Panginoon ang aking espiritu at ang aking buong sarili sa kanang kamay ng Iyong kapangyarihan at ng Iyong pagkukupkop, at inihihimlay ko ang aking ulo sa aking unan sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan at ibinabangon iyon ayon sa Iyong kalooban at sa Iyong mabuting kasiyahan. Tunay na Ikaw ang Tagapagligtas, ang Tagapagkupkop, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinakamalakas.
Saksi ang Iyong kapangyarihan! Wala akong hinihiling, tulog o gising man, kundi yaong ninanais Mo. Ako ay Iyong tagapaglingkod at sumasaiyong mga kamay. Buong kahabagang tulungan Mo ako na makagawa ng makapagdadaloy sa kabanguhan ng Iyong kasiyahan. Tunay na ito ang aking pag-asa at ang pag-asa nilang nagtatamasa ng pagkakalapit sa Iyo. Purihin Ka, O Panginoon ng mga daigdig!
- Bahá'u'lláh