Return to BahaiPrayers.net
Facebook
O Diyos, aking Diyos! Buong pagbabalik-loob na nagbaling ako sa Iyo at tunay na Ikaw ang Nagpapatawad, ang Mahabagin.
O Diyos, aking Diyos! Nagbalik ako sa Iyo, at tunay na Ikaw ang Laging Nag papatawad, ang Mapagbigay-biyaya.
O Diyos, aking Diyos! Nangapit ako sa kuldon ng Iyong pagpapala, at nasa Iyo ang kamalig ng lahat ng nasa langit at nasa lupa.
O Diyos, aking Diyos! Nagmadali akong patungo sa Iyo, at tunay na Ikaw ang Nagpapatawad, ang Panginoon ng saganang biyaya.
O Diyos, aking Diyos! Nauuhaw ako sa makalangit na alak ng Iyong pag papala, at tunay na Ikaw ang Nagbibigay, ang Mapagpala, ang Magandang-loob, ang Malakas sa Lahat.
O Diyos, aking Diyos! Saksi ako na Ikaw ay nagpahayag ng Iyong Kapakanan, tumupad ng Iyong pangako at ihinulog buhat sa langit ng Iyong biyaya yaong nakapaglapit sa Iyo sa mga puso ng Iyong mga itinatangi. Nasa mabuting kalagayan siya na mahigpit na humawak sa Iyong matatag na Kuldon at nangapit sa laylayan ng Iyong maningning na Damit!
Hinihiling ko sa Iyo, O Panginoon ng lahat na kinapal at Hari ng mga nakikita at di-nakikita, sa Iyong kalakasan, sa Iyong kamahalan at sa Iyong kapangyarihan, na pahintulutang ang aking pangalan ay maitala ng Iyong panulat ng luwalhati na kasama ng mga matapat sa Iyo, silang mga hindi nahadlangan ng kasulatan ng mga makasalanan sa pagbaling sa Liwanag ng Iyong kaanyuan, O dumirinig sa dalangin, tumutugon sa dalangin na Diyos!
- Bahá'u'lláh