Return to BahaiPrayers.net
Facebook
Siya ay Diyos! O walang kapantay na Panginoon! Sa Iyong dunong na makapangyarihan sa lahat, iniatas Mong magsipag-asawa ang mga tao, upang ang mga salinlahi ng tao ay magsusunod-sunod sa walang katiyakang daigdig na ito at upang magpakailan man, habang ang daigdig ay nananatili, sila’y maging abala sa pintuan ng Iyong pagkaisa sa paglilingkod at pagsamba, nang may pagbati, pananambalan at pagpupuri. “Hindi ko nilikha ang mga espiritu at mga tao, kundi upang sila’y sumamba sa akin.” (Qur'án 51:56) Kung gayon, pag-isahing dibdib Mo sa langit ng Iyong habag ang dalawang ibong ito ng pugad ng Iyong pag-ibig, at gawin silang tagapang-akit ng walang hanggang biyaya; nang upang sa pag-iisa ng dalawang dagat na ito ng pag-ibig ay dumagsa ang isang alon ng pagkamasuyo at ihagis ang mga perlas ng dalisay at mabuting supling sa dalampasigan ng buhay. “Pinawalan Niya ang dalawang dagat, nang upang magkatagpo sila: Sa pagitan nila ay may isang hadlang na hindi nila matawiran. Alin sa mga pagpapala ng iyong Panginoon ang iyong itatanggi? Buhat sa bawat isa, Siya ay naghahango ng malalaki at mumunting perlas.”(Qur'án 55:19-22)
O Ikaw na mabait na Panginoon! Gawin Mo ang pag-iisang dibdib na ito ay makapagbigay ng korales at perlas. Tunay na Ikaw ang Malakas sa Lahat, ang Pinakadakila, ang Laging Nagpapa tawad!
- `Abdu'l-Bahá