Return to BahaiPrayers.net
Facebook
Diyos Ko! Diyos Ko! Ikaw ang aking pag-asa at ang aking Minamahal, ang aking pinakamataas na Layunin at Hangarin! Buong pagpapakumbaba at buong pag-ibig na idinadalangin ko sa Iyo na gawin Mo akong tore ng Iyong pag-ibig sa Iyong pook, ilawa ng Iyong karunungan sa Iyong mga nilikha at bandila ng banal na biyaya sa Iyong Kaharian.
Ibilang Mo akong isa sa Iyong mga tagapaglingkod na naghiwalay ng kanilang sarili sa lahat liban sa Iyo, na pinalaya ang mga sarili sa mga pag-udyok ng mga nagsasabi ng mga walang kabuluhang guni-guni.
Tulutan Mong ang aking puso ay bumukas sa kagalakan sa pamamagitan ng diwa ng pagpapatibay buhat sa Iyong Kaharian, at liwanagan ang aking paningin sa pamamagitan ng pagkakita sa mga hukbo ng banal na tulong na sunod sunod na nananaog patungo sa akin mula sa kaharian ng Iyong Makapang yarihan sa Lahat na Kaluwalhatian.
Ikaw ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Maluwalhati sa lahat, ang Malakas sa Lahat.
- `Abdu'l-Bahá