Return to BahaiPrayers.net
Facebook
O Diyos, aking Diyos! Purihin Ka nawa sa pagpaparikit ng apoy ng banal na pag-ibig sa Banal na Puno sa tuktok ng pinakamataas na bundok: yaong Puno na “hindi mula sa Silangan o sa Kanluran.” Yaong apoy na lumiyab hanggang ang alab nito ay umakyat patungo sa Kalipunan sa kaitasan, at mula dito yaong mga katotohanan ay nakakuha ng ilaw ng pamamatnubay, at nagsipagsigaw sila ng: “Sa katunayan ay nakita naming ang apoy sa libis ng Bundok Sinai.”
O Diyos, aking Diyos! Palakihin Mo ang apoy na ito, tulad ng isang araw na sinusundan ng isa pang araw, hanggang ang bugso nito ay magpapakilos sa buong daigdig. O Ikaw, aking Panginoon! Pagningasin ang ilaw ng Iyong pag-ibig sa bawat puso, ihinga sa kaluluwa ng mga tao ang espiritu ng Iyong kaalaman, pagalakin ang kanilang mga dibdib sa mga taludtod ng Iyong kaisahan. Buhayin Mo silang mga nananahan sa kanilang mga libingan, babalaan ang mga mapagmalaki, gawing pandaigdigan ang kasiyahan, ipadala ang Iyong kristal na mga tubig, at sa kalipunan ng mga hayag na karingalan ay ipasa ang kalis na “Itinimpla sa bukal ng alkampor.”
Sa katunayan, Ikaw ang Nagbibigay, ang Nagpapatawad, ang Laging Nagka kaloob. Sa katunayan, Ikaw ang Maawain, ang Mapagmalasakit.
- `Abdu'l-Bahá