Return   Facebook   Zip File   Selections from the Writings of Bahá’u’lláh for Bahá’í Holy Days

The observance of holy days occupies a central place in every religion. Through their commemoration, the calendar year becomes the stage on which the signal events associated with the life and ministry of the divine Manifestations of God are annually remembered and honoured. This remembrance has both a personal dimension, providing a time for reflection on the significance of these events, and a social dimension, helping to deepen the identity and foster the cohesion of the community.

The coming of each Manifestation of God brings renewal and revitalization: “old things are passed away” and “all things are become new”.[1] By His authority, former laws are abrogated and the manners and customs of the previous Dispensation are reformed. Through the creative power of Divine Revelation, fresh life is instilled into hearts and souls:

Reflect thou, how, in one hand, He hath, by His mighty grasp, turned the earth of knowledge and understanding, previously unfolded, into a mere handful, and, on the other, spread out a new and highly exalted earth in the hearts of men, thus causing the freshest and loveliest blossoms, and the mightiest and loftiest trees to spring forth from the illumined bosom of man.[2]

This re-creation and revitalization of all things is reflected in the introduction of a new calendar and the designation of new holy days which recast the rhythms of communal life.

The Bahá’í calendar, known as the Badí‘ calendar, was introduced by the Báb and subsequently confirmed by Bahá’u’lláh, Who fixed its commencement at the year of the Báb’s declaration, 1844 (A.H. 1260). As the Bahá’í Era was inaugurated by twin Founders, the Bahá’í Holy Days include events pertaining to the birth, declaration, and passing of both Bahá’u’lláh and the Báb. In the Kitáb-i-Aqdas, the principal repository of the laws of His Revelation, Bahá’u’lláh designates the two “Most Great Festivals”: Riḍván, “the King of Festivals”, commemorating the declaration of His prophetic mission during a period of twelve days, three of which are observed as Holy Days, and the Declaration of the Báb, the event that initiates the Bahá’í Era. Also named as festivals in that same Book are Naw-Rúz and the anniversaries of the Birth of the Báb and of Bahá’u’lláh. The anniversary of the Martyrdom of the Báb was commemorated as a Holy Day during the lifetime of Bahá’u’lláh, and ‘Abdu’l-Bahá added the observance of the Ascension of Bahá’u’lláh.

The present volume offers forty-five selections from the Writings of Bahá’u’lláh revealed specifically for, or otherwise relating to, these nine Holy Days. The selections represent different revelatory modes, each reflecting facets of the greatness, the preciousness, and the peerless nature of this Day in which all the promises and prophecies of the past have been fulfilled—this sacred Day “whereon God hath made His own Self known and revealed it unto all who are in the heavens and on earth”. Some of the Tablets and excerpts presented in the volume are addressed to the body of Bahá’u’lláh’s followers and are expressed in a celebratory and uplifting tone, occasionally with repeated refrains, while others were revealed to individual believers, sometimes with a mention of the specific circumstances of their revelation or the names of the recipients. Many are among His best-known works and have long been familiar to readers of His Writings in the original languages.

Eight of the selections were previously translated by Shoghi Effendi and published in Prayers and Meditations by Bahá’u’lláh and Gleanings from the Writings of Bahá’u’lláh. A table listing these and other passages translated by Shoghi Effendi can be found at the end of the book. The remainder of the selections are, for the most part, published here for the first time in English. The current translations endeavour to afford a glimpse of the poetic tone of these celebrated Texts, even though they can never convey their full beauty.

It is hoped that this volume will uplift the hearts and souls of the followers of the Blessed Beauty throughout the world and will enrich the gatherings they hold in commemoration of those days that stand apart from all other days through their association with Him and His Herald.

Birth of the Báb

Sa ngalan Niya na isinilang sa araw na ito, Siya na ginawa ng Diyos na maging Tagapamalita ng Kaniyang Pangalan, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Nagmamahal sa Lahat!

Ito ay isang Tableta na Aming isinulat para sa gabing iyon kung kailan ang mga kalangitan at ang kalupaan ay tinanglawan ng isang Liwanag na nagsabog ng kaningningan nito sa buong sangnilikha.

Pinagpala ka, O gabi! Sapagkat sa pamamagitan mo ay isinilang ang Araw ng Diyos, isang Araw na itinalaga Namin na maging ilawan ng kaligtasan sa mga nananahan sa mga lunsod ng mga pangalan, ang kalis ng tagumpay para sa mga kampeon ng mga bulwagan ng kawalang hanggan, at ang pook-silangan ng kaligayahan at pagdiriwang para sa buong sangnilikha.

Di-masukat ang kadakilaan ng Diyos, ang Maylikha ng mga kalangitan, Siya na sanhi ng pagbigkas ng Araw na ito sa Pangalan na iyon na sa pamamagitan nito ang mga lambong ng walang katuturang hinagap ay napawi, at ang Kaniyang pangalang “ang Sariling-Ganap” ay sumikat sa itaas ng guhit-tagpuan ng katiyakan. Sa pamamagitan Niya ang piling alak ng walang hanggang buhay ay inalisan ng selyo, ang mga pintuan sa kaalaman at pananalita ay binuksan sa harap ng mga tao ng daigdig, at ang mga simoy ng Mahaagin sa Lahat ay sumimoy sa lahat ng dako. Ang lahat ng kaluwalhatian ay mapasa oras na iyon kung kailan ang Kayamanan ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Nakababatid ng Lahat, ang Marunong sa Lahat, ay lumitaw!

O kalipunan ng lupa at langit! Ito ang unang gabing iyon, na ginawa ng Diyos na maging palatandaan ng pangalawang gabi kung kailan ay isinilang Siya na walang papuri ang sapat na makadadakila at walang katangian ang makapaglalarawan. Pinagpala siya na nagninilay-nilay ukol sa kanilang dalawa: Tunay na matutuklasan niya na ang kanilang panlabas na realidad ay tumutugma sa kanilang panloob na diwa, at mababatid niya ang banal na mga hiwaga na nadadambana sa Rebelasyon na ito, isang Rebelasyon na sa pamamagitan nito ang mga pundasyon ng kawalan ng pananalig ay niyanig, ang mga idolo ng pamahiin ay winasak, at iniladlad ang bandilang nagpapahayag ng, “Walang ibang Diyos maliban sa Kaniya, ang Makapangyarihan, ang Dakila, ang Walang-Kahambing, ang Tagapangalaga, ang Malakas, ang Di-Maabot.”

Sa gabing ito, sumimoy ang halimuyak ng pagiging malapit, nabuksan ang mga pintuan ng muling pagsasama sa huling mga araw, at ang buong sangnilikha ay naantig na bumulalas ng: “Ang Kaharian ay sa Diyos, ang Panginoon ng lahat ng mga pangalan, Siya na dumating taglay ang paghahari sa buong daigdig!” Sa gabing ito ipinagdiriwang ng Kalipunan sa kaitaasan ang papuri ng kaniyang Panginoon, ang Dakila, ang Pinakamaluwalhati, at ipinagbubunyi ng mga realidad ng banal na mga pangalan Siya na Hari ng simula at ng wakas sa Rebelasyon na ito, isang Rebelasyon na sa pamamagitan ng bisa nito ay nagmadali ang mga bundok patungo sa Kaniya na Siyang Nakasasapat sa Lahat, ang Pinakamataas, at ang mga puso ay bumaling tungo sa mukha ng kanilang Pinakamamahal, at ang mga dahon ay pinakilos ng mga simoy ng pananabik, at itinaas ng mga puno ang kanilang mga tinig sa maligayang pagtugon sa panawagan Niya na Siyang Di-Napipigilan, at ang buong daigdig ay nanginginig sa pananabik ng hangarin nitong matamo ang muling pagsasama sa Haring Walang Maliw, at ang lahat ng bagay ay ginawang maging bago sa pamamagitan ng natatago na Salitang iyon na lumitaw sa makapangyarihang Pangalang ito.

O gabi ng Mapagbigay-Biyaya sa Lahat! Sa iyo sa katunayan ay nakikita Namin ang Inang Aklat. Ito ba ay Aklat, sa katotohanan, o sa halip ay batang isinilang? Hindi, saksi ang Aking Sarili! Ang gayong mga salita ay tumutukoy sa kaharian ng mga pangalan, samantalang dinalisay ng Diyos ang Aklat na ito mula sa lahat ng mga pangalan. Sa pamamagitan nito ang natatagong Lihim at ang iniingatang Hiwaga ay naihayag. Hindi, saksi ang Aking buhay! Ang lahat ng nabanggit ay nauukol sa kaharian ng mga katangian, samantalang ang Inang Aklat ay nakatayong higit na mataas sa lahat ng ito. Sa pamamagitan nito ay lumitaw ang mga kahayagan ng “Walang ibang Diyos maliban sa Diyos” sa ibabaw nilang lahat. Hindi, samantalang ang gayong mga bagay ay ipinahayag sa lahat ng tao, sa panukat ng iyong Panginoon walang iba kundi ang Kaniyang tainga ang may kakayahang marinig silang lahat. Pinagpala sila na lubos na nakatitiyak.

Sa gayon, tulala, ang Panulat ng Pinaka Mataas ay bumulalas: “O Ikaw na dinakila nang higit sa lahat ng pangalan! Isinasamo ko sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong kapangyarihan na sumasaklaw sa mga kalangitan at kalupaan na palibanin ako mula sa pagbanggit sa Iyo, sapagkat ako mismo ay nilalang sa pamamagitan ng Iyong mapanglikhang kapangyarihan. Kung gayon, paano ko magagawang ilarawan yaon na ang lahat ng nilikhang bagay ay walang kakayahang ilarawan? At gayumpaman, ay isinusumpa ko sa Iyong kaluwalhatian, na kung aking ipahahayag yaong Iyong ginamit sa pagbibigay-inspirasyon sa akin, ang buong sangnilikha ay mamamatay sa kaligayahan at matinding galak, at lalo pa itong magagapi sa harap ng mga daluyong ng karagatan ng Iyong pananalita sa pinakamaningning, pinakadakila at nangingibabaw na Pook na ito! Palayain sa tungkulin, O Panginoon, itong nauutal na Panulat mula sa pagbubunyi sa lubhang dakilang katayuan, at pakitunguhan ako nang buong habag, O aking Nagmamay-ari at aking Hari. Huwag pansinin ang aking mga pagkukulang sa Iyong harapan. Ikaw, sa katunayan ang Panginoon ng biyaya, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Laging Nagpapatawad, ang Pinaka-Bukas-Palad.”

Birth of the Báb

Siya ang Walang-Maliw, ang Iisa, ang Tangi, ang Nagtataglay ng Lahat, ang Pinakadakila.

Ang lahat ng papuri ay mapasa-Iyo, O aking Diyos, yamang Iyong pinalamutian ang daigdig ng karingalan ng bukang-liwayway na sumunod sa gabi nang isinilang Siya na nagbalita sa Kahayagan ng Iyong nangingibabaw na dakilang kapangyarihan, ang Panimulang-bukal ng Iyong banal na Diwa at ang Rebelasyon ng Iyong kataas-taasang pagka-Panginoon. Isinasamo Ko sa Iyo, O Maylikha ng mga kalangitan at Tagapaghugis ng mga pangalan, na buong-giliw na tulungan yaong mga nanganlong sa lilim ng Iyong masaganang habag at palakasin ang kanilang mga tinig sa gitna ng mga tao ng daigdig upang luwalhatiin ang Iyong Pangalan.

O Aking Diyos! Iyong namamasdan ang Panginoon ng buong sangkatauhan na nakapiit sa Kaniyang Pinakadakilang Bilangguan, malakas na tinatawag ang Iyong Pangalan, minamasdan ang Iyong mukha, ipinahahayag yaong masidhing nakapagpagalak sa mga nananahan sa Iyong mga kaharian ng paghahayag at ng nilikha. O Aking Diyos! Nakikita Ko ang Aking Sarili na bihag sa mga kamay ng Iyong mga tagapaglingkod, subalit ang liwanag ng Iyong kataas-taasang kapangyarihan at ang mga kahayagan ng Iyong di-malulupig na kapangyarihan ay sumisikat nang maningning mula sa Kaniyang mukha, tinutulutang makatiyak ang lahat na Ikaw ay Diyos, at walang ibang Diyos liban sa Iyo. Ang lakas ng makapangyarihan ay walang-kakayahang makabigo sa Iyo, ni ang pangingibabaw ng mga pinuno ay hindi mananaig laban sa Iyo. Iyong ginagawa ang anumang Iyong niloloob sa pamamagitan ng Iyong kataas-taasang kapangyarihan na sumasaklaw sa lahat ng nilikhang bagay, at itinatadhana yaong Iyong ninanais sa pamamagitan ng lakas ng Iyong utos na laganap sa buong nilikha.

Ako’y lumuluhog sa Iyo sa pamamagitan ng luwalhati ng Iyong Kahayagan at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong lakas, ng Iyong kataas-taasang kapangyarihan at ng Iyong kadakilaan, na gawing matagumpay ang mga nagsibangon upang maglingkod sa Iyo, na tumulong sa Iyong Kapakanan at nagpakumbaba sa harap ng karingalan ng liwanag ng Iyong mukha. Gawin sila, kung gayon, O Aking Diyos, na maging matagumpay sa Iyong mga kaaway at gawin silang matatag sa paglilingkod sa Iyo, upang sa pamamagitan nila ang mga katibayan ng Iyong kapangyarihan ay maitatag sa kabuuan ng Iyong kaharian at ang mga tanda ng Iyong di-malulupig na lakas ay maihayag sa Iyong mga lupain. Tunay na Ika’y malakas upang gawin ang Iyong niloloob; walang ibang Diyos liban sa Iyo, ang Tulong sa Panganib, ang Sariling-Ganap.

Ang maluwalhating Tabletang ito ay ipinahayag sa Anibersaryo ng Kaarawan [ng Báb] upang nawa’y inyong usalin ito sa diwa ng pagpapakumbaba at pagmamakaawa at magbigay pasalamat sa Iyong Panginoon, ang Nakaaalam ng Lahat, ang Nakababatid ng Lahat. Gawin ang bawat pagsisikap upang makapaglingkod sa Diyos, nang mula sa inyo ay lumitaw yaong magpapanatiling buhay sa inyong alaala sa Kaniyang maluwalhati at dakilang kalangitan.

Sabihin: Luwalhatiin Ka nawa, O aking Diyos! Lumuluhog ako sa Iyo, sa pamamagitan ng Pook ng Bukang-liwayway ng Iyong mga palatandaan at sa pamamagitan ng Tagapaghayag ng Iyong malinaw na mga sagisag, na ipagkaloob na aking magawang mangapit nang mahigpit, sa lahat ng pagkakataon, sa kuldon ng Iyong mapagmahal na pagkakandili, at mangapit nang mahigpit sa laylayan ng Iyong pagiging bukas-palad. Ibilang ako, kung gayon, sa mga di-napigilan ng mga pagbabago at mga pagkakataon ng daigdig mula sa paglilingkod sa Iyo at sa pagiging matapat sa Iyo, na hindi napigilan ng pananalakay ng mga tao mula sa pagdakila sa Iyong Pangalan at sa pagdiriwang sa Iyong papuri. Buong-giliw akong tulungan, O aking Panginoon, na magawa ang anumang Iyong minamahal at ninanais. Tulutan akong tuparin yaong magdadakila sa Iyong Pangalan at magpapaningas sa apoy ng Iyong pag-ibig.

Ikaw sa katotohanan ang Nagpapatawad, ang Mapagbigay-biyaya.

Birth of Bahá’u’lláh

Lawḥ-i-Mawlúd

Tableta ng Kapanganakan

O kalipunan ng nakikita at di-nakikita! Magdiwang nang labis ang kaligayahan sa inyong mga puso at mga kaluluwa, sapagkat sumapit na ang gabi para sa pag-aani ng mga panahon at ng pagtitipon ng nakaraang mga pag-inog, ang gabi na siyang dahilan ng pagkalalang ng lahat ng mga araw at mga gabi at ang itinadhanang panahon para sa Rebelasyong ito ay natupad sang-ayon sa kautusan Niya na Siyang Panginoon ng kapangyarihan at lakas. Lahat ng kaligayahan ay mapasa-Kalipunan sa kaitaasan dahil sa paglitaw ng gayong maluwalhati, gayong kamangha-manghang Espiritu.

Ito ang gabi kung kailan ang mga pintuan ng Paraiso ay ibinukas at ang mga pintuan ng Impiyerno ay isinara, ang gabi kung kailan ang paraiso ng Mahabagin sa Lahat ay inilantad sa mismong kaibuturan ng sangnilikha, ang mga simoy ng Diyos ay humihip mula sa mga kanlungan ng kapatawaran, at ang Huling Oras ay nagsimula sa pamamagitan ng kapangyrihan ng katotohanan, kung inyo lamang nababatid ito. Ang lahat ng kaligahayan ay mapasa-gabing ito, na sa pamamagitan nito ang lahat ng mga araw ay napuspos ng liwanag, bagaman walang nakauunawa rito maliban sa kanilang mga nagtataglay ng katiyakan at pag-unawa!

Ito ang gabing pinag-iinugan ng mga Gabi ng Kapangyarihan, kung saan ang mga anghel at ang Espiritu ay bumaba taglay ang mga kopang pinuno sa mga batis ng Paraiso, ang gabi kung kailan ang Langit mismo ay ginayakan ng palamuti ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Magiliw sa Lahat, ang Pinakamapagbigay-Biyaya, kung saan ang bawat nilikhang bagay ay binigyan ng buhay, at ang lahat ng mga sambayanan ng daigdig ay pinalibutan ng Kaniyang Pagpapala. Lahat ng kaligayahan ay mapasa-kalipunan ng Espiritu dahil sa hayag at nagniningning na biyayang ito!

Ito ang gabi kung kailan ang kalamnan ni Jibt ay ginawang mangatal, at ang Pinakamalaking Diyos-diyusan ay bumagsak sa alabok, at ang mga saligan ng kasamaan ay nawasak, at si Manát ay nagdalamhati sa kaibuturang sarili niya, at ang likod ni ‘Uzzá ay binali at ang mukha niya ay nangitim; sapagkat ang Umaga ng banal na Rebelasyon ay sumikat na, at lumitaw yaong nagbigay-konsuwelo sa mga mata ng kaluwalhatian at kamahalan, at bukod pa rito ay sa mga mata ng lahat ng mga Propeta at mga Sugo ng Diyos. Lahat ng luwalhati, kung gayon, ang mapasa-Bukang-Liwayway na ito na lumitaw sa itaas ng pamimitak ng nagniningning na kaluwalhatian!

Sabihin: Ito ang Bukang-Liwayway na bunga nito ay hinadlangan ang mga masasama mula sa paglapit sa kaharian ng kapangyarihan at karingalan, at kung kailan ay linaslas ang mga puso ng mga nakipagtalo sa Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Di-Napipigilan. Ito ang bukang-liwayway na bunga nito nagsidilim ang mga mukha ng mga masasama, samantalang ang mga mukha ng mga matuwid ay nagniningning sa liwanag ng Kagandahang ito, isang Kagandahang ang Kaniyang pagsapit ay sabik na hinihintay ng lahat ng bagay na nakikita at di-nakikita, at bukod pa sa kanila, ang samahan ng Kalipunan sa kaitaasan. Ang lahat ay bumabati sa paglitaw ng Espiritung ito, na sa pamamagitan ng bisa Niya ang mga patay ay nagsikilos sa kanilang mga libingan at ang bawat nagugunaw na buto ay binuhay!

Sabihin: O pinagmumulan ng kasamaan! Manghinayang sa iyong kahabag-habag na kalagayan; at O bukal ng paniniil! Umuwi sa iyong tahanan sa pinakamalalim na apoy, sapagkat ang Kagandahan ng Mahabagin sa Lahat ay sumikat sa itaas ng guhit-tagpuan ng buhay, taglay ang gayong kaningningan na natatanglawan ang lahat ng mga nananahan sa Kaniyang mga kaharian sa karingalan ng liwanag nito, at nilikha nito ang Espiritu ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Maluwalhati sa Lahat, ang Pinakamasagana. Sa pamamagitan ng pagkakabunyag nito ang kamay ng Kaniyang Kalooban ay inunat mula sa manggas ng karingalan at pinunit ang mga lambong ng daigdig sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kaniyang kataas-taasan, ng Kaniyang walang kahalintulad, ng Kaniyang nakapipilit sa Lahat at dakilang paghahari. Ang lahat ng kaluwalhatian, sa gayon, ay mapasa-Bukang Liwayway na ito, na ang Napakatandang Kagandahan ay iniluklok sa trono ng Kaniyang Pangalan, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinakadakila!

Ito ang Bukang Liwayway kung kailan isinilang Siya na hindi nanganganak at hindi ipinanganak. Mabuti para sa kaniyang inilulubog ang kaniyang sarili sa ilalim ng karagatan ng panloob na kahulugang dumadaluyong sa loob ng salitang ito at natutuklasan ang mga perlas ng kaalaman at karunungang natatago sa mga salita ng Diyos, ang Hari, ang Dakila, ang Makapang¬yarihan, ang Malakas. Ang lahat ng luwalhati ay mapasa-kaniyang nakababatid ng katotohanan at nabibilang sa kanilang mga pinagkalooban ng pangingilatis!

Sabihin: Ito ang Bukang-Liwayway kung kailan ang mga kawal ng kalipunan ng Paraiso at ang mga hukbo ng mga anghel ng kabanalan ay pumanaog mula sa langit, na kabilang sa kanila ay Siyang itinaas ng mga simoy ng Kagandahan ng Diyos, ang Pinakamaluwalhati, tungo sa mga hanay ng pinakadakilang Kalipunan. Dala ng mismong mga simoy na ito, ang isa pang pangkat ng mga anghel ang pumanaog, na tangan ng bawat isa ang kalis ng walang-hanggang buhay at iniaalok ito sa kanilang mga lumilibot sa pagsamba sa Pook na kung saan ay iniluklok ng Napakatandang Nilalang ang Kaniyang Sarili sa trono ng Kaniyang maluwalhati sa lahat at pinakamasaganang Pangalan. Ang lahat ng kaligayahan ay mapasa-kanilang mga nakarating sa Kaniyang kinaroroonan, nasilayan ang Kaniyang kagandahan, nakinig sa Kaniyang mga himig, at binigyang-buhay ng Salitang nagbuhat sa Kaniyang banal at dakila, sa Kaniyang maluwalhati at maningning na mga labi.

Sabihin: Ito ang Bukang-Liwayway kung kailan ang Pinakadakilang Puno ay itinanim at namunga ng dakila at walang kahalintulad na mga bunga nito. Saksi ang pagkamatuwid ng Diyos. Sa loob ng bawat bunga ng Punong ito ay naroroon ang mga binhi ng napakaraming mga himig. Samakatwid, O kalipunan ng Espiritu, ipababatid Namin sa inyo, sang-ayon sa inyong kakayahan, ang ilan sa makalangit na mga himig nito, nang upang maakit nito ang inyong mga puso at ilapit kayo sa Diyos, ang Panginoon ng lakas, ng kapangyarihan at ng paghahari. Ang lahat ng luwalhati ay mapasa-Bukang-Liwayway na ito, na sa pamamagitan niyon ang banal na mga Tala ay sumikat sa itaas ng sugpungang-guhit ng kabanalan ayon sa pahintulot ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Di-Maabot, ang Pinakamataas!

Sabihin: Ito ang Bukang-Liwayway kung kailan ang natatagong Diwa at ang di-nakikitang yaman ay naging hayag, ang Bukang-Liwayway kung kailan ay tinanganan ng Napakatandang Kagandahan ang kopa ng walang-hanggang buhay sa pamamagitan ng mga kamay ng kaluwalhatian at, matapos munang uminom mula roon, ay inalok ito sa lahat ng mga tao ng daigdig, kapwa mataas at mababa. Ang lahat ng kaluwalhatian, kung gayon, ay mapasa-kaniyang lumapit sa kopang ito, binuhat ito at uminom mula rito alang-alang sa pag-ibig sa kaniyang Panginoon, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Mataas sa Lahat!

Ipinahayag ng isang bunga ng Punong iyon yaong ipinahayag ng Palumpong Nag-aapoy noong naunang panahon doon sa Pook na banal at kasing-puti ng niyebo, ng mga salitang pinakinggan ni Moises at naging sanhi ng Kaniyang pagtalikod sa lahat ng nilikhang bagay at idinako ang Kaniyang mga yapak tungo sa mga kanlungan ng kabanalan at karingalan. Ang lahat ng luwalhati, kung gayon, ay mapasa-napakatinding kaligayahan na iyon na bunga sa Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinakamataas, ang Pinakadakila!

Inusal ng isa pang bunga ng Punong iyon yaong nagpaligaya kay Hesus at itinaas Siya sa kalangitan ng hayag na karingalan. Ang lahat ng luwalhati, kung gayon, ay mapasa-Espiritung ito na nakatayo sa Kaniyang kinaroroonan ang Matapat na Espiritu, kasama ang isang pangkat ng piniling mga anghel ng Diyos!

Isiniwalat ng isa pang bunga niyon yaong bumighani sa puso ni Muhammand, ang Apostol ng Diyos, na sa Kaniyang pagkatangay sa matatamis na mga punto ng Tinig mula sa kaitaasan, ay pumanhik tungo sa Banal na Punong-Lote at narinig, mula sa loob ng Tabernakulo ng karingalan, ang Tinig ng Diyos na isinasalita ang hiwaga ng Aking banal, ng Aking dakila at makapangyarihang Pangalan. Ang lahat ng luwalhati, kung gayon, ay mapasa-Punong ito na itinaas sa pamamagitan ng kapangyarihan ng katotohanan, nang upang hanapin ng lahat ng mga tao ng daigdig ang kanlungan ng lilim nito.

O Panulat ng Pinakamataas! Huwag nang sumulat pa; sapagkat, saksi ang Diyos, kung iyong ilalahad ang lahat ng matatamis na punto ng mga bunga nitong makalangit na Puno, iyong matatagpuan ang iyong sariling iniwanan sa lupa, yamang ang lahat ay tatakas mula sa iyong kinaroroonan at lilisanin ang iyong korte ng kabanalan. At ito, sa katunayan, ay ang walang-alinlangang katotohanan. Ang lahat ng luwalhati, kung gayon, ay mapasa mga hiwagang walang makababata maliban sa Diyos, ang naghaharing Pinuno, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinakamagiliw!

Iyo bang hindi nasaksihan, O Panulat, ang pag-iingay sa buong kalupaan ng mga nagbabalat-kayo, at kung anong gulo ang ginising ng masasama at di-makadiyos? At ito ay sa kabila ng iyong pagpapahayag ng kaliit-liitang sulyap ng mga hiwaga ng iyong Panginoon, ang Pinakadakila, ang Maluwalhati sa Lahat. Samakatwid ay pigilan ang iyong sarili at ilihim mula sa mga mata ng tao yaong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos bilang tanda ng Kaniyang pagpapala. At kapag ang iyong hangarin ay ang ibigay sa lahat ng nilikhang bagay ang uminom mula sa kristal na tubig na iyon na siyang tunay na buhay, at na ginawa ka ng Disyos na maging Ulong-bukal niyon, tulutang dumaloy ang iyong tinta nang sang-ayon lamang sa karampatang-sukat ng kanilang kakayahan. Sa gayon ay inaatasan ka Niya na Siyang lumalang sa iyo sa pamamagitan ng Kaniyang utos. Iyong gawin, kung gayon, yaong iniutos sa iyo at huwag mapabilang sa kanilang mga nababalam. Ang lahat ng luwalhati ay mapasa-matimbang na kautusang ito na nirendahan ang kapangyarihan ng lahat ng nilikhang bagay at pinigilan ang Panulat ng Pinakamataas mula sa pagsisiwalat sa mga tao ng daigdig yaong itinago sa kanila! Ang Kaniyang kapangyarihan, sa katunayan, ay pantay sa lahat ng bagay.

Birth of Bahá’u’lláh

Siya ang Pinakabanal, ang Pinakamataas, ang Pinakadakila.

Ang Pista ng Kaarawan ay sumapit na, at Siya na Kagandahan ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Nakapipilit sa Lahat, ang Mapagmahal sa Lahat, ay umakyat sa Kaniyang trono. Pinagpala siya na sa Araw na ito ay nakarating sa Kaniyang harapan at tungo sa kaniya ay itinuon ang sulyap ng Diyos, ang Tulong sa Panganib, ang Sariling Ganap. Sabihin: Ipinagdiwang Namin ang Pistang ito sa Pinaka Dakilang Piitan sa isang panahon kung kailan ang mga hari ng daigdig ay bumangon laban sa Amin. Gayumpaman ang pananaig ng manlulupig ay hindi kailanman makabibigo sa Amin, ni ang mga hukbo ng daigdig ay makasisiphayo sa Amin. Dito ay sumasaksi ang Mahabagin sa Lahat sa lubhang kagalang-galang na kalagayan na ito.

Sabihin: Dapat bang masiphayo ang pinakabuod ng katiyakan sa harap ng pag-iingay ng mga tao ng daigdig? Hindi, saksi ang Kaniyang kagandahan, na nagpapasikat ng kaningningan nito sa lahat ng naging at lahat ng magiging! Ito sa katunayan, ay ang karingalan ng Panginoon na sumasaklaw sa buong sangnilikha, at ito ang Kaniyang nangingibabaw na kapangyarihan na laganap sa lahat ng nakakikita at sa lahat ng nakikita. Mahigpit na kumapit sa kuldon ng Kaniyang naghaharing lakas at banggitin ang iyong Panginoon, ang Di-Nahahadlangan, na ang liwanag sa bukang-liwayway na ito ay nagbunyag sa bawat natatagong lihim. Sa gayon ang dila ng Napakatanda sa mga Araw ay nagwika sa Araw na ito kung kailan ang piling alak ay inalisan ng selyo. Mag-ingat na ang walang-katuturang mga kathang-isip nila na mga hindi nananalig sa Diyos ay bumagabag sa iyo, o ang kanilang walang-kabuluhang mga hinagap ay makapigil sa iyo mula sa inunat na landas na ito.

O mga tao ng Bahá! Pumailanlang sa mga bagwis ng pagkawalay tungo sa himpapawid ng pag-ibig ng inyong Panginoon, ang Mahabagin sa Lahat. Bumangon kung gayon upang pagtagumpayin Siya, sang-ayon sa iniutos sa inyo sa Pinangalagaang Tableta. Mag-ingat na hindi kayo makipagtalo sa alinman sa Aking mga tagapaglingkod. Ipagkaloob sa kanila ang matatamis na halimuyak ng Diyos at ang Kaniyang banal na mga salita, sapagkat sa pamamagitan ng bisa nito ang lahat ng tao ay magagawang bumaling sa Kaniya. Sila na nananatiling pabaya sa Diyos sa Araw na ito sa katotohanan ay naliligaw sa pagkalango ng kanilang mga pagnanasa at hindi nila ito nababatid. Pinagpala siya na, sa kababaang-loob at pagpapakumbaba, ay ibinaling ang kaniyang mukha tungo sa Pamimitak ng mga berso ng kaniyang Panginoon.

Nararapat sa iyo ang bumangon at ipabatid sa mga tao yaong ipinababa sa Aklat ng kanilang Panginoon, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Di-Nahahadlangan. Sabihin: Matakot kayo sa Diyos at huwag pansinin ang walang-kabuluhang mga kathang-isip nila na lumalakad sa mga landas ng pag-aalinlangan at kasamaan. Ibaling ang inyong maningning na mga puso tungo sa trono ng inyong Panginoon, ang May-Taglay ng lahat ng pangalan. Siya, sa katunayan, ay tutulong sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng katotohanan. Walang Diyos maliban sa Kaniya, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinaka-Mapagbigay-Biyaya.

Magmamadali ba kayo tungo sa hamak na lawa lamang, samantalang ang Pinaka Dakilang Karagatan ay nakasiwalat sa harap ng inyong mga mata? Bumaling nang ganap tungo rito, at huwag sumunod sa mga yapak ng bawat taksil na manlilinlang. Sa gayon ay umaawit ang Ibon ng Kawalang-hanggan sa mga sanga ng Aming banal na Puno ng Lote. Saksi ang Diyos! Ang iisa lamang sa mga himig nito ay sapat na upang mabighani ang Kalipunan sa kaitaasan, at higit sa kanila ang mga nananahan sa mga lunsod ng mga pangalan, ang higit sa kanila ay yaong mga umiikot sa Trono Niya sa umaga at gabi.

Sa gayon ang mga ulan ng mga salita ay bumuhos mula sa kalangitan ng kalooban ng inyong Panginoon, ang Mahabagin sa Lahat. Lumapit sa mga ito, O mga tao, at itakwil silang mga tumututol nang walang batayan sa mga bersikulong ipinahayag ng Diyos, at hindi naniwala sa kanilang Panginoon nang Siya ay dumating taglay ang katibayan at patotoo.

Birth of Bahá’u’lláh

Siya ang Diyos.

O kalipunan ng maalab na mga mangingibig! Saksi ang pagkamatuwid ng Diyos, ito ang gabi na ang kahalintulad nito ay hindi kailanman nakita ng daigdig ng nilalang. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Maluwalhati sa Lahat, ang Pinakamasagana.

Ito ang gabi kung kailan dinalit ng Espiritu ng gayong himig na nataranta ang panloob na mga realidad ng lahat ng tao, habang ipinapahayag: “Magdiwang, O Kalipunan sa kaitaasan, sa loob ng inyong mga kanlungan sa Paraiso!”

Sa gayon ang Tinig ng Diyos ay nagwika mula sa loob ng Tabernakulo ng kabanalan at biyaya: “Ito, sa katunayan, ang gabi kung kailan isinilang Siyang realidad ng Mahabagin sa Lahat, ang gabi kung kailan ang bawat kautusang walang-maliw ay ipinaliwanag ng Panulat ng Maluwalhati sa Lahat. Magdiwang, kung gayon, sa sukdulang kaligayahan, O kalipunan ng Bayán!”

Ito ang gabi kung kailan humuni ang Mistikong Kalapati sa mga sanga at mga siit ng kalangitan, sinasabing: “Magdiwang, O mga nananahan sa Paraiso!”

Sabihin: Ito ang gabi kung kailan ang mga tabing ng kaluwalhatian ay hinawi sa harap ng mga mata ng mga tao ng katiyakan, at ang Ibon ng Langit ay inawit ang himig nito sa kaibuturang puso ng kahariang makalangit. Magdiwang, kung gayon, O mga kinatawan ng kabanalan sa Walang-Maliw na Lunsod.

Ito ang gabi kung kailan isinabog ng Diyos ang karingalan ng lahat ng Kaniyang napakahusay na mga pangalan at iniluklok ang Kaniyang sarili sa trono ng bawat dalisay at maningning na puso. Magdiwang, kung gayon, O kalipunan ng Bayán!

Ito ang gabi kung kailan ang mga karagatan ng kapatawaran ay dumaluyong, at ang mga simoy ng pagpapala ay humihip sa ibayo. Magdiwang, kung gayon, O mga kasamahan ng Mahabagin sa Lahat!

Ito ang gabi kung kailan ang mga kasalanan ng lahat ng nananahan sa daigdig ay pinatawad. Ito, sa katunayan, ay isang magandang balita sa lahat ng mga nilalang sa naka-asang kaharian!

Sabihin: Ito ang gabi kung kailan ang itinakdang sukat ng biyaya at pagpapala ay inukit sa mga pergamino ng kapangyarihan at katiyakan, nang upang ang bawat bahid ng kalungkutan ay mapawi magpakailanman mula salahat ng bagay. Magdiwang, kung gayon, O kayong mga humakbang na sa kaharian ng umiiral!

Sa sandaling ito ang Tagapamalita ng Espiritu ay sumisigaw mula sa kaibuturang puso ng kawalang-hanggan, ang luklukan ng kataasan at kadakilaan—at ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Maluwalhati sa Lahat, ang Pinakamapagbigay-biyaya—

Sinasabing: Saksi ang Diyos! Ang mabangong Alak ay binuksan ng makapangyarihang kamay Niya na Siyang pinagmumulan ng paghahari at kapangyarihan. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

At ang mga kopa ng alak na krimson ang kulay ay ipinamamahagi ng kamay ng banal na Jose at itinataas sa kagandahan ng Maluwalhati sa Lahat. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Magmadali, kung gayon, O kalipunan ng mga tao, at uminom hanggang kabusugan, mula sa batis na ito ng walang-hanggang buhay! At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Sabihin: O tinipong mga tunay na mangingibig! Ang kagandahan ng Siyang Minimithi ay sumikat sa lantarang kaluwalhatian nito. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

O kalipunan ng Kaniyang mga minamahal! Ang mukha ng Pinakamamahal ay namitak sa itaas ng sugpungang-guhit ng kabanalan. Pakilusin ang inyong mga sarili at buong pusong magmadali patungo roon, O mga tao ng Bayán! At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Ang katibayan ay natupad na, at ang patotoo ay naitatag na, yamang ang Muling Pagkabuhay ay naganap sa pamamagitan ng paglitaw ng Diyos sa Kahayagan ng Kaniyang mismong Sarili, ang Laging Namamalagi. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Lumipas ang mga panahon, at pinukaw ang mga pag-inog, at ang bawat tala ay nagningning sa kagalakan, sapagkat pinasikat ng Diyos ang karingalan ng Kaniyang kaluwalhatian sa bawat punong pinalamutian ng luntiang mga siit. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Pakilusin ang inyong mga sarili, O mga pinili ng Diyos, sapagkat ang espiritu ay sama-samang tinipon, ang banal na mga simoy ay humihip, ang mabilis na naglalahong mga hinagap ay pinawi, at ang mga tinig ng kawalang-hanggan ay dumagundong mula sa bawat punong yumayabong. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Saksi ang Diyos! Ang mga lambong ay tinupok, ang mga ulap ay hinawi, ang mga palatandaan ay isiniwalat at ang mga pahiwatig ay tinastas Niya na ang Kaniyang kapangyarihan ay katumbas sa lahat ng bagay. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Tulutang mapuspos ng ligaya ang inyong mga puso, subalit ilihim ito nang napaka-ingat, itong pinakanatatagong lihim, nang hindi malaman ng di-kilala yaong inyong ininom mula sa alak na nagkakaloob ng matinding ligaya at kasiyahan. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

O kalipunan ng Bayan! Ang Diyos ay sumasaksi sa Akin, na ang Kaniyang pagpapala ay buo na, ang Kaniyang habag ay ganap na, at ang Kaniyang mukha ay sumisikat sa kaligayahan at kaningningan. At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Uminom hanggang kabusugan, O Aking mga kasama, mula sa kumikinang at nagniningning na batis na ito, at magdiwang doon, O Aking mga kaibigan! At ito, sa katunayan, ay mula sa biyaya ng Diyos, ang Pinakadakila, ang Pinakamapagbigay-biyaya.

Birth of Bahá’u’lláh

Siya ang Pinakabanal, ang Pinakadakila.

Ito ang buwan ng kapanganakan Niya na Siyang nagtataglay ng Pinaka Dakilang Pangalan, Siya na ang paglitaw ay naging sanhi ng pangangatal ng mga kalamnan ng sangkatauhan at ang alabok ng Kaniyang mga yapak ay sinisikap makamtan ng Kalipunan sa kaitaasan at ng mga nananahan sa mga lunsod ng mga pangalan bilang isang pagpapala. Sa gayon na nagbigay-papuri sila sa Diyos at sumigaw sa kaligayahan at matinding pagdiriwang. Saksi ang Diyos! Ito ang buwan na sa pamamagitan nito ang lahat ng ibang mga buwan ay tinanglawan, ang buwan kung kailan Siya na natatagong Lihim at ang pinangangalagaang Kayamanan ay ginawang maging hayag at tumawag nang malakas sa lahat ng sangkatauhan. Ang lahat ng kapangyarihan ay pag-aari ng bagong-silang na Sanggol na ito na sa pamamagitan Niya ang alas ng sangnilikha ay napuno ng mga ngiti, at ang mga puno ay umugoy, at ang mga karagatan ay dumaluyong, at ang mga kabundukan ay nagsiliparan, at ang Paraiso ay itinaas ang kaniyang tinig, at ang Bato ay sumigaw, at ang lahat ng bagay ay bumulalas ng, “O kalipunan ng sangnilikha! Magmadali kayo tungo sa pook-silangan ng mukha ng inyong Panginoon, ang Mahabagin, ang Madamayin!”

Ito ang buwan kung kailan ang Paraiso mismo ay ginayakan ng mga karingalan ng mukha ng kaniyang Panginoon, ang Mahabagin sa Lahat, at ang makalangit na Ruwisenyor ay umawit ng himig nito sa Banal na Puno ng Lote, at ang mga puso ng mga pinagpala ay napuspos ng kaligayahan. Suba¬li’t sayang ang mga tao, ang karamihan, ay pabaya. Pinagpala siya na nakakilala sa Kaniya at nabatid yaong ipinangako sa mga Aklat ng Diyos, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Pinupuri sa Lahat; at kasawian ang sasapit sa kaniya na tumalikod sa Kaniya na ang Kalipunan sa kaitaasan ay ipinako sa Kaniya ang kanilang tingin, Siya na ginawang ma¬ging tuliro ang bawat suwail na erehe.

Sa pagkakataong iyong matanggap ang Tabletang ito, dalitin ito sa pinakamatamis na himig at sabihin: Purihin Ka nawa, O aking pinakamahabaging Panginoon, dahil sa paggunita sa akin sa Tabletang ito na sa pamamagitan nito ang halimuyak ng damit ng Iyong kaalaman ay pinalaganap at ang mga karagatan ng Iyong pagpapala ay ginawang dumaluyong. Sumasaksi ako na Ikaw ay may kakayahang gawin ang Iyong ninanais. Walang Diyos maliban sa Iyo, ang Makapangyarihan sa Lahat, ang Nakababatid ng Lahat, ang Marunong sa Lahat.

Bahá'u'lláh

Windows / Mac