The Universal House of Justice
Ridván 2004
To the Bahá’ís of the World
Dearly loved Friends,
Tatlong taon na ng Five Year Plan ang nakalipas. Ang mga prosesong sinimulan sa Four Year Plan, pinalakas sa pamamagitan ng natatanging pansin sa edukasyon ng mga batang Baha'i noong Twelve Month Plan, at walang tigil na pagsubaybay nitong nakaraang taon, ay kasalukuyang tinutupad ang mataas na pag-asa nang ilunsad ang mga iyon. Sa bawat lugar ng daigdig ang tatlong kalahok sa Plano—ang indibiduwal, ang pamayann, at mga institusyon—bawat isa ay ginagampanan ang isang natatanging tungkulin, ay pinalalakas ang mga kilos ng bawat kalahok. Ang core activities na mga study circle, mga children's class, at mga devotional meeting ay naging pangunahing mga aspeto at nagpapataas sa mga nakamtan ng isa't-isa na nagbibigay ng higit na sigla at tagumpay sa lahat ng ibang mga elemento sa buhay ng pamayanang Baha'i. Ang yaman-tao ay nadadagdagan, at ang mga Local Spiritual Assembly ay tumutugon sa bagong mga pangangailangan nitong tumitinding sigla.
2. Ang kakayahang nilinang para sa Baha'i na edukasyon ng mga bata sa buong daigdig ay tanging kahanga-hanga. Ang panimulang mga pagsisikap para sa espirituwal na pagpapalakas ng junior youth ay matagumpay na naisasagawa. Ang pagsulong ng mga cluster mula sa isang antas ng mga gawain tungo sa isang higit na mataas na antas ay halos abot-kamay na at, habang ito ay sumusulong, sumasama sa buod ng nagpapakilalang mga mananampalataya ang isang papalaking pangkat ng tao, na hindi pa mga Baha'i ngunit masiglang kalahok na sa mga core activity ng Plano. Ang mga balangkas para sa pangangasiwa ng matinding paglaki ay nakikita na sa ilang mauunlad na cluster. Ang mga National Assembly, samantalang hinaharap ang mga pangangailangan ng lahat ng mga cluster sa kani-kanilang mga bansa, ay natutunan ang kahalagahan ng pagtutok ng natatanging pansin sa ilang mga pangunahing cluster na nagpapakita ng malaking kakayahan, pinalalakas at pinauunlad sila hanggang sa ang mga yaman-tao na nalikha nila sa pamamagitan ng training institute ay magawa itong maging mga sento ng mabilis at patuloy na paglaki.
3. Tulad ng nakini-kinita, napapatunayan na ang training institute ay siyang makina ng paglaki. Sa pagsusuri ng mga pagkakataon at mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamayanan, ang malaking bilang ng mga National Spiritual ay piniling gamitin ang mga aralin sa kurso na ginawa ng Ruhi Institute, yamang nakikita ang mga ito na pinaka-angkop sa mga kailangan ng Plano. Ito ay nagkaroon ng karagdagang kapakinabangan dahilan sa ang mga aralin ding iyon ay naisalin na sa maraming wika at, saanman maglakbay ang mga Baha'i, nakatatagpo sila ng mga kaibigang sinusundan ang gayunding landas at sanay sa gayunding mga aklat at mga pamamaraan.
4. Ang isang napakagulong pandaigdig na lipunan, winasak ng mga magkakasalungat na mga pang-unawa at interes, ay sinasalanta ng papalakas na terorismo, kawalan ng pagsunod sa batas at pagkabalakyot, at pinipinsala ng pagbagsak ng ekonomiya, karukhaan at sakit. Sa gitna nito, ang pamayanang Baha'i ay higit na nakikita, binigyan-sigla ng banal na ipinahayag na pananaw, nakatayo sa matibay na mga saligan, lalong lumalakas sa pamamagitan ng mga proseso na ngayon ay isinasagawa, at hindi natatakot sa waring mga pagkabigo. Isang halimbawa ng kakayahan ng sandaigdigang Baha'i na tumugon sa hindi inaasahang mga kalagayan ay naganap noong nakaraang taon, nang kailanganing iurong ang International Baha'i Convention dahilan sa maraming panganib; ang paghalal ng Universal House of Justice ay naganap nang nararapat at ang Plano ay nagpatuloy nang walang nagambalang kilos. Kaalinsabay nito, sa kabila ng pagkalansag at kaguluhan ng buhay sa 'Iraq, nagawang magkaroon ng pakikipag-alaman sa mga Baha'i sa lupaing iyon at nabuo muli ang mga Local Spiritual Assembly. Ngayon, buong galak na ibinabalita namin ang pagkahalal, sa Ridvan na ito, ng National Spiritual Assembly ng mga Baha'i ng 'Iraq, naibalik matapos ang mahigit na tatlumpung taon ng hindi mapigilang paniniil, upang makamtan ang nararapat na katayuan nito sa pandaigdigang pamayanang Baha'i.
5. Ang kinakailangang ngayon ng Banal na Plano sa yugtong ito ay ang magpatuloy tayo nang buong tiwala at buong sigla sa kasalukuyang mga gawain, hindi nahahandlangan ng mga bagyo na humahataw sa daigdig ng sangkatauhan. Makatitiyak na papatnubayan ng Pinagpalang Kagandahan ang inyong mga hakbang at ang mga Hukbo ng Kataas-taasang Kalipunan ay pag-iibayuhin ang lahat ng bawat pagsisikap ninyo para sa pagsulong ng Kanyang Pananampalataya.
- The Universal House of Justice