The Universal House of Justice
Ridván 2008
To the Bahá’ís of the World
Dearly loved Friends,
Libo-libo, na sumasaklaw sa pagkakaiba-iba ng buong sangkatauhan, ang abala sa may sistemang pag-aaral ng Mapanlikhang Salita (Creative Word) sa isang kapaligiran na kaagad ay seryoso at nakapagpapataas ng damdamin. Habang nagsisikap silang isagawa sa pamamagitan ng isang proseso ng pagkilos, pagmumui-muni at pagsasanggunian sa mga pagkaunawa na nakamtan na, nakikita nila na ang kanilang kakayahan na makapaglingkod sa Kapakanan ay tumaas sa bagong mga antas. Tumutugon sa pinakamalalim na inaasam ng bawa’t puso na makipagniig sa kanyang Manlilikha, nagsasagawa sila ng sama-samang mga gawain ng pagsamba (acts of worship) sa magkakaibang kalagayan, nakikisama sa iba sa pananalangin, ginigising ang mga espirituwal na damdamin at humuhubog sa isang halimbawa ng buhay na natatangi dahilan sa madasaling katangian nito. Habang nagpupunta ang isa sa mga tahanan ng iba at dinadalaw ang mga pamilya, pinalalalim ang kanilang kaalaman sa Pananampalataya, ibinabahagi ang mensahe ni Bahá’u’lláh, at tinatanggap ang papalaking bilang na umanib sa kanila sa isang makapangyarihang espirituwal na gawain. Batid ang mga inaasam ng mga bata ng daigdig at ang kanilang pangangailangan ng isang espirituwal na edukasyon, ipinaaabot nila ang kanilang mga pagsisikap nang malawakan upang maisama ang patuloy na lumalagong mga kalahok sa mga klase na nagiging sentro ng paghimok para sa kabataan at pinalalakas ang mga ugat ng Pananampalataya sa lipunan. Tumutulong sila sa mga junior youth na maglayag sa isang mahalagang yugto ng kanilang mga buhay at maging malakas upang ituon ang kanilang mga lakas tungo sa pagsulong ng sibilisasyon. At nang dahilan sa isang higit na lumalaking yamangtao, isang papalaking bilang sa kanila ang nagawang ipahayag ang kanilang pananalig sa pamamagitan ng tumataas na pagkilos ng mga pagsisikap na nakatutok sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kapwa sa kanilang espirituwal at materyal na mga panukat. Ganyan ang tanawin sa harap natin habang huminto nang sandali sa Ridván na ito upang masdan ang pagunlad ng pandaigdig na pamayanang Bahá'í.
2. Sa ilang mga pagkakataon ipinabatid namin na ang layunin ng serye ng pandaigdig na mga Plano na magdadala sa daigdig ng Bahá'í sa pagdiriwang ng ika-isang daan taon ng Formative Age ng Pananampalataya sa 2021 ay matatamo sa pamamagitan ng mahalagang pagsulong sa gawain at pagsulong ng indibiduwal na mananampalataya, ng mga institusyon, at ng pamayanan. Dito, sa kalagitnaang yugto noong magiging isang ika-apat na bahagi ng ikaisang daang taon ng hindi nagbabago, nakatutok na pagpupunyagi, ang mga katibayan ng papalaking kakayahan ay maliwanag sa lahat ng dako. Ang isang natatanging kahalagahan ay ang lumalawak na epekto ng sigla na dumadaloy mula sa mga magkakasamang pagkilos sa pagitan ng tatlong kalahok sa Plano. Ang mga institusyon, sa pambansa hanggang sa lokal na antas, ay nakikitang patuloy na higit na lumilinaw kung paano lumikha ng mga kalagayan na nakakatulong sa pagpapahayag ng mga espirituwal na lakas ng isang lumalaking bilang ng mga mananampalataya sa pagsisikap sa isang pangkalahatang layunin. Ang pamayanan ay higit at higit pang naglilingkod habang ang kapaligirang iyon na ang indibiduwal na pagsisikap at samasamang pagkilos, pinamamagitan ng institute, ay maaaring punuan ang isa’t-isa upang matamo ang pagsulong. Ang sigla na ipinakikita nito at ang kaisahan ng layunin na nagbibigay-buhay sa mga pagsisikap nito ay umaakit sa lumalaking bilang mula sa lahat ng uri ng pamumuhay ay sabik na ihain ang kanilang panahon at lakas para sa kagalingan ng sangkatauhan. Na ang mga pinto ng pamayanan ay higit na maluwang na nakabukas para sa sinumang handang tumanggap na kaluluwa upang pumasok at tumanggap ng ikabubuhay mula sa Rebelasyon ni Bahá’u’lláh ay maliwanag. Walang hihigit pang katibayan tungkol sa bisa ng mga magkakasamang pagkilos ng tatlong mga kalahok ng Plano kaysa sa madulang pagbilis sa tiyempo ng pagtuturo na nasaksihan sa nakaraang taon na ito. Tunay na ang pagsulong sa proseso ng pangkat-pangkat na pagpasok ay makahulugan.
3. Sa loob nitong mga pinalakas na mga magkakasamang pagkilos, ang pagkukusa ng indibiduwal ay higit na nagiging mabisa. Sa mga naunang mensahe tinukoy namin ang sigla na idinudulot ng institute sa pagsasagawa ng pagkukusa ng indibiduwal na mananampalataya. Ang mga kaibigan sa lahat ng kontinente ay abala sa pag-aaral ng mga Kasulatan para sa malinaw na layunin na matutunang isagawa ang mga turo para sa paglaki ng Pananampalataya. Kapansinpansin ang mga bilang na ngayon ay binabalikat ang pananagutan para sa espirituwal na sigla ng kanilang mga pamayanan; nang masigla, ginagawa nila yaong mga acts of service na nararapat sa isang mabuting huwaran ng paglaki. Dahilan sa sila ay nagtiyaga sa larangan ng paglilingkod sa Kapakanan, pinananatili ang isang mapagpakumbabang anyo ng pag-aaral, ang kanilang katapangan at kadunungan, sipag at matalas na kaalaman, kataimtiman at kahinahunan, pagtitika at pagtitiwala sa Diyos ay higit pang nagsama-sama upang palakasin ang isa’t-isa. Sa kanilang paglalahad ng mensahe ni Bahá’u’lláh at sa pagpapaliwanag ng mga katotohanan nito, isinapuso nila ang mga salita ni Shoghi Effendi na hindi dapat “mag-atubili” at “masiraan ng loob”, ni “lubhang bigyan ng diin” ni “maliitin” ang katotohanan na kanilang itinataguyod. Ni hindi sila dapat maging “panatiko” o “lubhang liberal”. Sa pamamagitan ng kanilang pagtitiyaga sa pagtuturo, pinalakas nila ang kanilang kakayahan na magpasiya kung ang pagiging handa ng kanilang tagapakinig ay nangangailan sa kanila na maging “maingat” o “matapang”, “tuwiran” o “hindi tuwiran” sa mga paraan na kanilang gagamitin.
4. Ang patuloy naming natatagpuan na nakapagpapasigla ay kung gaano kahusay na
nadisiplina ang indibiduwal sa pagkukusa nito. Ang mga pamayanan sa lahat ng dako ay unti-unting isinaloob ang mga leksyon na natutunan mula sa pagiging maparaan, at sa balangkas na niliwanag ng kasalukuang serye ng mga Plano ay nagbibigay ng hindi nagbabago at bumabagay sa mga pagpupunyagi ng mga kaibigan. Malayo mula sa paghihigpit sa kanila, ginagawa ng balangkas na ito na sunggaban nila ang mga pagkakataon, bumuo ng mga pakikipag-ugnayan, at gawaing matupad ang isang pangarap ng may sistemang paglaki. Sa isang salita, hinuhubog nito ang kanilang sama-samang lakas.
5. Habang tinitingnan natin ang mga natamo sa buong mundo, ang aming mga puso ay tigib ng natatanging paghanga para sa mga mananampalataya sa Iran, na, sa ilalim ng pinakamahirap na mga kalagayan, ay buong tapang na bumangon upang paglingkuran ang kanilang bansa at hinuhutok ang kanilang mga lakas para sa muling paglakas nito, kahima’t ang mga landas na bukas sa kanila ay kakaunti lamang. At dahilan sa mga pagtatakda na ipinataw sa administrasyon ng Pananampalataya, sila ay kumilos nang nag-iisa-isa upang ipabatid sa kanilang mga kababayan ang mga turo ni Bahá’u’lláh, tuwirang isinasama sila sa mga usapan tungkol sa nakasasagip na mensahe Niya. Hindi lamang sila tumanggap ng walang katulad na pagtataguyod mula sa mga naliwanagang kaluluwa habang nagsimula silang kumilos, subali’t nakatagpo sila ng isang pagtanggap na higit pa sa kanilang maiisip na maaaring mangyari.
6. Bawa’t tagasunod ni Bahá’u’lláh na nababatid ang mga lakas ng pagbubuo at pagwasak na nagaganap sa lipunan ngayon ay nakikita ang kaugnayan sa pag-itan ng pagtaas ng pagiging handang tanggapin ang Pananampalataya sa lahat ng bahagi ng daigdig. Na ang gayong pagiging handang tumanggap ay lalaki habang ang paghihirap ng sangkatauhan ay lalong lumalala ay tiyak. Hindi maaaring magkamali: Ang pagpapalakas ng kakayahan na sinimulang gawain upang makatugon sa papalaking pagtanggap ay nasa napakaagang yugto pa. Ang kalakihan ng mga pangangailangan ng isang daigdig na naguguluhan ay susubok sa kakayahang ito hanggang sa sukdulan nito sa darating na taon. Ang sangkatauhan ay hinuhubog ng mga lakas ng paniniil, kahiman sinimulaan mula sa kailaliman ng pangrelihiyong pagtatangi o sa mga kaitaasan ng palasak na materyalismo. Nagawang maintindan ng mga Bahá'í ang mga kadahilanan ng paghihirap na ito. “Anong ‘paniniil’ ang higit na malala”, itinatanong ni Bahá’u’lláh, “kaysa doon sa kaluluwang hinahanap ang katotohanan, at hinahangad na matamo ang kaalaman sa Diyos, ay hindi malaman kung saan hahanapin ito at kung kanino hahanapin ito?” Walang panahon ang dapat aksayahin. Ang patuloy na pagsulong ay dapat matamo sa gawain at pagunlad ng tatlong kalahok sa Plano.
7. Pinuring maigi ni ‘Abdu’l-Bahá ang “dalawang panawagan” sa “tagumpay at kasaganaan” na maaaring marinig mula sa mga “kaitaasan ng kaligayan ng sangkatauhan”. Ang isa ay ang panawagan sa “kabihasnan”, sa “pagsulong ng materyal na daigdig”. Ito ay binunuo ng mga “batas”, “mga panuntunan”, “mga sining at agham” na sa pamamagitan nito ang sangkatauhan ay umuunlad. Ang isa pa ay ang “nakatitinag sa kaluluwa na panawagan ng Diyos”, kung saan nababatay ang walang hanggang kaligayahan ng sangkatauhan. “Ang pangalawang panawagan na ito”, ipinaliwanag ng Master, “ay nababatay sa mga tagubilin at pangaral ng Panginoon at sa mga paalaala at matapat na mga damdamin na napapaloob sa larangan ng moralidad na, tulad sa isang maningning na liwanag, ay pinatitingkad at pinagliliwanag ang ilaw ng mga katotohanan ng sangkatauhan. Ang nananagos na kapangyarihan nito ay ang Salita ng Diyos”. Habang patuloy kayong nagsisikap sa inyong mga cluster, kayo ay hahatakin nang palalim nang palalim sa buhay ng lipunan sa paligid ninyo at hahamunin na paabutin ang proseso ng may sisytemang pag-aaral na kung saan abala kayo upang palibutan ang isang lumalaking saklaw ng mga pantaong pagsisikap. Sa mga hakbang na inyong gagawain, ang mga paraan na inyong isasagawa, ang mga kagamitan na inyong gagamitin, kinakailangan ninyong matamo ang katulad na antas ng pakikipag-ugnayan na nagtatangi sa halimbawa ng paglaki na ngayon ay nagaganap.
8. Ang pagpapanatili ng paglaki sa cluster at kasunod na mga cluster ay nababatay sa mga katangian na nagtatangi sa inyong paglilingkod sa mga tao ng daigdig. Dapat na lubhang malaya ang inyong mga isipan at mga kilos sa anumang bahid ng pagtatangi — sa lahi, relihiyon, ekonomiya, bansa, tribo, antas sa buhay o kultura — na kahit na ang dayuhan ay makikita kayo bilang mga mapagmahal na mga kaibigan. Lubhang mataas ang inyong pamantayan sa kahusayan at lubhang dalisay at malinis ang inyong mga buhay na ang moral na impluwensya na inyong pinagsisikapan ay manunuot sa diwa ng higit na malaking pamayanan. Sa inyong pagpapakita lamang ng katapatan sa ugali na hinihingi ng mga kasulatan ng Pananampalataya sa bawa’t kaluluwa maaari ninyong magawang labanan ang napakaraming anyo ng kabulukan (corruption), hayagan at patago, na kumakain sa mahahalagang bahagi ng lipunan. Sa inyong pagkaunawa lamang sa karangalan at kadakilaan ng bawa’t tao — malaya ito sa kayamanan o kahirapan — maaari ninyong magawang itaguyod ang layunin ng katarungan. At sa antas na ang pampangasiwaang mga proseso ng inyong mga institusyon ay napamamahalaan ng mga simulain ng Bahá'í na pagsasanggunian maaaring magawa ng malalaking masa ng sangkatauhan na humanap ng masisilungan sa pamayanang Bahá'í.
9. Habang patuloy kayong nagsisikap, magtiwala na ang Kalipunan sa kaitaasan ay isinasaayos ang mga lakas nito at nakahandang dumating upang tulungan kayo. Ang patuloy na mga panalangin namin ay nakapaligid sa inyo.
- The Universal House of Justice