Return   Facebook

The Universal House of Justice

Ridván 2010

To the Bahá’ís of the World

Dearly loved Friends,

Nang may mga puso na puspos sa paghanga sa mga tagasunod ni Bahá’u’lláh, ikinagagalak naming ipahayag na, sa pagbubukas nitong pinakamaligayang panahon ng Ridván, bawa’t kontinente ng daigdig ay mayroong panibagong pangkat ng mga intensive programme of growth na inilunsad, itinataas ang kabuuang bilang nito sa buong daigdig nang higit pa sa 1,500 at nakamtan na ang layunin ng Five Year Plan, isang taon bago pa ito magwakas. Iniyuyuko namin ang aming mga ulo sa pasasalamat sa Diyos sa kagila-gilalas na nagawang ito, sa namumukod na tagumpay na ito. Ang lahat ng mga kumilos sa larangan ng paggawa ay pahahalagahan ang biyayang ipinagkaloob Niya sa Kanyang pamayanan sa pagbibigay dito ng isang buong taon upang palakasin ang paraan ng pagpapalawak at pagpapatibay na naitatag na sa lahat ng dako, bilang paghahanda para sa mga gawain na ipatutupad sa kanila sa susunod na pandaigdig na gawain—isang plano na tatagal ng limang taon, ang panlima sa serye nang mayroong maliwanag na layunin ng pagsulong sa proseso ng pangkat-pangkat na pagsapi.

2. Kami ay naantig, habang humihinto nang sandali sa napakaligayang okasyon na ito, upang gawing malinaw yaong pumupukaw sa gayong napakalalim na damdamin ng karangalan at pasasalamat sa aming mga puso ay hindi lubhang dahil sa tagumpay sa bilang na inyong natamo, bagaman kahanga-hanga nga ito, kundi dahilan sa pinagsama-samang mga pag-unlad sa higit na mahalagang antas ng kultura, na sinasaksihan ng tagumpay na ito. Nangunguna sa mga ito ay ang nakikita naming pagtaas ng kakayahan ng mga kaibigan na makipag-usap sa iba tungkol sa espirituwal na mga bagay at ang pagiging madali ng pagsasalita tungkol sa Katauhan ni Bahá’u’lláh at ng Kanyang Rebelasyon. Mahusay nilang naunawaan na ang pagtuturo ay isang pangunahing pangangailangan ng isang pamumuhay ng masaganang pagbibigay.

3. Sa nakaraang ilang mga mensahe ay ipinahayag namin ang kaligayahan na masaksihan ang patuloy na pagbilis ng tulin sa pagtuturo sa buong daigdig. Ang pagsasagawa nitong pangunahing espirituwal na tungkulin ng indibiduwal na mananampalataya ay laging naging, at patuloy na magiging, isang katangiang di-maaaring mawala sa Bahá’í na pamumuhay. Sa pagtatatag ng mga 1,500 intensive programme of growth ay ginawa nitong malinaw kung gaano katapang at nagkukusa ang karaniwang mga mananampalataya sa paghakbang palabas mula sa sariling pangkat ng kanilang mga kaanak at mga kaibigan, handang magpa-akay sa namamatnubay na Kamay ng Mahabagin sa Lahat tungo sa mga kaluluwang handang tumanggap saan mang dako sila naninirahan. Kahit pa ang pinaka-katamtaman na mga pagtantiya ay nagpapahiwatig na sa ngayon ay mayroon nang libo-libong nakikilahok sa pana-panahong mga kampanya upang bumuo ng mga bigkis ng pakikipagkaibigan batay sa magkaparehong pagkaunawa, doon sa mga dati-rati ay itinuturing na mga di kakilala.

4. Sa kanilang mga pagsisikap na ilahad ang pangunahing mga bagay tungkol sa Pananampalataya nang malinaw at matapat, ang mga mananampalataya ay nakinabang nang malaki mula sa inilalarawan sa Aklat 6 ng Ruhi Institute. Kung saan ang pangangatuwiran na pinagbabatayan ng paglalahad na iyon ay napahahalagahan, at ang simbuyo na gawain itong isang pormula ay nalalampasan, ito ay nagbubunga ng isang talakayan sa pag-itan ng dalawang kaluluwa—isang pag-uusap na natatangi sa malalim na pagka-unawa na natamo at sa uri ng ugnayang naitatag. Sa antas na ang pag-uusap ay nagpapatuloy nang lampas sa unang pagtatagpo at ang tunay na pagkakaibigan ay nabubuo, ang ganitong uri ng pagsisikap sa tuwirang pagtuturo ay maaaring maging isang pinagmumulan ng namamalaging proseso ng espirituwal na pagbabago. Kung ang unang pag-uusap sa gayong mga bagong kaibigan ay nagbubunga ng paanyaya sa kanila upang sumapi sa pamayanang Bahá’í o na makilahok sila sa isa sa mga gawain nito ay hindi lubhang mahalaga. Ang higit na mahalaga ay yaong ang bawa’t kaluluwa ay madama ang malugod na pagtanggap na maki-isa sa pamayanan sa pagtulong sa pagpapabuti ng lipunan at nagsisimulang tahakin ang landas ng paglilingkod sa sangkatauhan, na maaaring sa simula nito o kahit sa dakong huli, ay maganap ang pormal na pagsapi.

5. Ang kahalagahan ng ganitong pagsulong ay hindi dapat maliitin. Sa bawa’t cluster, kapag ang isang nagpapatuloy na paraan ng pagkilos ay nangyayari na, kinakailangang pagtuunan ng pansin na maparating ito nang higit na malawak sa pamamagitan ng magkaka-ugnay-ugnay na mga katrabaho at mga kakilala, habang ang mga sigla, kaalinsabay nito, ay nakatuon din sa mas maliliit na mga pangkat ng populasyon, na ang bawa’t isa sa mga ito ay dapat na maging sentro ng matinding pagkilos. Sa isang cluster sa lunsod, ang gayong sentro ng pagkilos ay maaaring pinakamaiging maitakda ng mga hangganan ng mga magkalapitbahay (o neighborhood); sa isang cluster na higit na kanayunan ang katangian, ang isang maliit na o purok ay maaaring maging angkop na panlipunang larangan para sa layuning ito. Yaong mga naglilingkod sa ganitong mga kapaligiran, kapwa ang mga taga-roon at mga dumadalaw na mga tagapagturo, ay tumpak na makikita ang kanilang ginagawa bilang pagtatatag ng pamayanan. Ang pangalanan ang kanilang mga pagsisikap na magturo sa pamamagitan ng gayong mga bansag na tulad ng “pagbabahay-bahay” (o door-to-door); kahit pa ang unang pakkikipagtagpo ay maaaring sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga nakatira sa isang tahanan nang walang paunang abiso, ay hindi nagbibigay-katarungan sa isang proseso na sinisikap pataasin ang kakayahan ng isang populasyon na pamahalaan ang sarili nitong espirituwal, panlipunan at pangkaisipang pag-unlad. Ang mga gawain na nagbubunsod sa prosesong ito, at kung saan ang bagong natagpuang mga kaibigan ay inaanyayahang makilahok—sa mga pagtitipon na nagpapalakas sa madasaling katangian ng pamayanan; sa mga klase na nag-aaruga sa murang mga puso at mga isipan ng mga bata; sa mga grupo na nagtutuon sa dumadaluyong na mga sigla ng mga junior youth; sa mga grupo ng pag-aaral, na bukas sa lahat, na nagbibigay-daan upang ang mga tao mula sa magkakaibang mga pinanggalingan ay makasusulong nang patas at masasaliksik ang pagsasagawa ng mga turo sa kanilang indibiduwal at pangkalahatang mga buhay—ay maaaring kailanganing mapanatili sa pamamagitan ng tulong mula sa lakas ng lokal na populasyon sa loob ng ilang panahon. Inaasahan, gayumpaman, na ang pagpaparami nitong mga core activities hindi magtatagal ay mapananatili na ng mga yaman-tao na taga-roon mismo sa mga magkalapit-bahay o sa nayon mismo—sa pamamagitan ng mga lalake at mga babae na sabik na pagbutihin ang materyal at espirituwal na mga kalagayan sa kanilang mga kapaligiran. Ang isang ritmo ng pamumuhay ng pamayanan ay dapat na unti-unting lumitaw, kung gayon, na katumbas ng kakayahan ng isang lumalaking pangkat ng mga indibiduwal na natatalaga sa pangitain ni Bahá’u’lláh ng isang bagong Pandaigdig na Kaayusan.

6. Sa kahulugan na ito, ang pagiging handang tumanggap ay ipinakikilala ang sarili nito bilang isang bukal sa loob na pakikilahogk sa proseso ng pagtatatag ng pamayanan na ibinubunsod ng mga core activity. Sa sunod-sunod na mga cluster kung saan ang intensive programme of growth ay isinasagawa na ngayon, ang gawaing kinakaharap ng mga kaibigan sa papasok na taong ito ay ang pagtuturo sa loob ng isa o higit pang mga populasyon na handang tumanggap, ginagamit ang tuwirang paraan ng pagtuturo sa kanilang pagpapaliwanag sa simulain ng kanilang Pananampalataya, at hanapin yaong mga kaluluwang sabik umalis sa panghihina na ipinataw sa kanila ng lipunan at ang gumawa nang kaagapay ang iba sa kanilang mga kapitbahay at mga nayon upang simulaan ang proseso ng pangkalahatang pagbabago. Kung ang mga kaibigan ay magpupursige sa kanilang mga pagsisikap na matutunan ang mga pamamaraan ng pagtatatag ng pamayanan sa maliliit na kapaligiran sa ganitong paraan, kami ay nakatitiyak, na ang matagal nang minimithing hangarin ng pakikilahok ng lahat sa mga gawain ng Pananampalataya, ay lalapit ng ilang malalaking hakbang tungo sa pagiging abot-kamay.

7. Upang maharap ang hamon na ito, ang mga mananampalataya at ang mga institusyong naglilingkod sa kanila ay kailangang palakasin ang proseso ng institute sa cluster, malakihang pinaparami sa loob ng saklaw nito ang bilang ng mga may kakayahang makapaglingkod bilang mga tutor ng mga study circle; sapagka’t dapat maunawaan na ang pagkakataong ngayon ay bukas sa mga kaibigan na paunlarin ang isang masiglang pamumuhay ng pamayanan sa mga magka-kapitbahay at mga nayon, na nakikilala sa masigasig na pagpapahalaga sa layunin, ay nagawang mabuo lamang sa pamamagitan ng napakahalagang mga pag-unlad na naganap sa loob ng nakaraang dekada sa aspetong iyon ng kulturang Bahá'í na kaugnay ng pagpapalalim.

8. Noong Disyembre 1995 nang manawagan kami sa pagtatag ng mga training institute sa buong daigdig, ang paraan na lubhang laganap sa pamayanang Bahá’í upang matulungan ang indibiduwal na mga mananampalataya na palalimin ang kanilang kalaman sa Pananampalataya ay karaniwang binubuo ng paminsan-minsang mga kurso at mga klase, na magkakaiba ang tagal, tinatalakay ang sari-saring mga paksa. Ang paraan na iyon ay mahusay na nakatugon sa mga pangangailangan ng pamayanang Bahá’í na umuusbong pa lamang, na maliit pa lamang ang bilang at ang pangunahing pinagkakaabalahan ay ang pang-heograpiyang paglaganap nito sa buong daigdig. Nilinaw namin sa panahong iyon, gayumpaman, na ang ibang paraan ng pag-aaral ng mga kasulatan ay dapat mabuo, isang paraan na magbubunsod sa malalaking bilang tungo sa larangan ng pagkilos, upang ang proseso ng pangkat-pangkat na pagsapi ay bumilis nang malakihan. Kaugnay nito, hiniling namin sa mga training institute sa lahat ng dako na tulungan ang lumalaking mga pangkat ng mga mananampalataya sa paglilingkod sa Kapakanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kurso na magbabahagi ng kaalaman, malalim na pag-unawa at mga kasanayan na kinakailangan upang maisagawa ang napakaraming mga gawain kaugnay ng bumibilis na pagpapalawak at pagpapatatag.

9. Ang basahin ang mga kasulatan ng Pananampalata at sikaping makamtan ang higit na nakasasapat na pagka-unawa sa kahalagan ng kagila-gilalas na Rebelasyon ni Bahá’u’lláh ay mga tungkuling ipinataw sa bawa’t isa sa Kanyang mga tagasunod. Ang lahat ay inatasang saliksikin ang karagatan ng Kanyang Rebelasyon at makibahagi, sang-ayon sa kanilang mga kakayahan at mga kagustuhan, sa mga perlas ng kadunungan na matatagpuan doon. Kaugnay nito, ang mga lokal na klase ng deepening, mga winter at summer school , at ang tanging isinaayos na mga pagtitipon kung saan ang indibiduwal na mga mananampalataya na may kaalaman sa mga kasulatan ay nagawang maibahagi sa iba ang malalalim na pang-unawa sa tiyak na mga paksa ay likas na lumitaw bilang mahahalagang katangian ng Bahá’í na pamumuhay. Tulad rin ng pananatili ng kaugaliang araw-araw na pagbabasa ay mananatiling isang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng Bahá’í, gayundin itong mga anyo ng pag-aaral ay patuloy na magkakaroon ng bahagi sa pangkalahatang pamumuhay ng pamayanan. Subali’t ang pag-unawa sa mga ipinahihiwatig ng Rebelasyon, kapwa para sa indibiduwal na paglaki at para sa pag-unlad ng lipunan, ay napakatindi ang inilalaki kapag ang pag-aaral at ang paglilingkod ay pinagsasama at pinagsasabay. Doon, sa larangan ng paglilingkod, ang kaalaman ay nasusubok, ang mga katanungan ay lumilitaw mula sa pagsasagawa, ang bagong mga antas ng pagka-unawa ay natatamo. Sa paraan ng distance education (edukasyon sa malayong mga lugar) na naitatag na ngayon sa sunod-sunod na mga bansa—na ang pangunahing mga elemento nito ay binubuo ng study circle, ng tutor at ng kurikulum ng Ruhi Institute—ang pandaigdig na pamayanang Bahá’í ay nakapagtamo na ng kakayahang mabigyan ng pagkakataon ang libo-libo, hindi lamang iyon, ng milyun-milyon na makapag-aral ng mga kasulatan sa maliliit na mga grupo na ang maliwanag na layunin nito ay ang pagsasalin ng mga turo ng Bahá’í sa tunay na buhay, sa pagpapatuloy ng gawain ng Pananampalataya na sumulong sa kasunod na yugto nito: ang napananatiling malakihang pagpapalawak at pagpapatatag.

10. Huwag tulutang mabigo ang sinuman na pahalagahan ang mga maaaring magawa na sa gayon ay nalikha. Ang hindi pagkilos ay sinasanay ng mga lakas ng kasalukuyang lipunan. Ang hangarin na maaliw ay pinalalaki mula sa pagkabata, nang may patuloy na kahusayan, pinagyayaman ang mga salinlahi na handang maging sunod-sunuran sa kanino mang napatunayang mahusay gumising sa mabababaw na mga damdamin. Kahit nga sa maraming mga sistema ng edukasyon, ang mga mag-aaral ay itinuturing na para silang mga sisidlan na binuo upang tumanggap ng impormasyon. Na ang sandaigdigang Bahá’í ay nagtagumpay sa paglikha ng isang kultura na nagtataguyod sa isang paraan ng pag-iisip, pag-aaral, at pagkilos, na kung saan ang lahat ay itinuturing ang kanilang mga sarili na lumalakad sa iisang landas ng paglilingkod—tinutulungan ang isa’t-isa at sama-samang sumusulong, iginagalang ang kaalaman na taglay ng bawa’t isa sa alinmang panahon at iniiwasan ang gawi na paghatiin ang mga mananampalataya sa mga kategorya tulad ng deepened (malalim na) at walang nalalaman—ito ay isang napakalaking tagumpay. At doon ay matatagpuan ang nagtutugunang mga bahagi ng isang di-mapipigilang kilusan.

11. Ang mahigpit na pangangailangan ay yaong kalidad ng proseso ng edukasyon na pinalalaganap sa antas ng study circle ay dapat tumaas nang malaki sa susunod na taon upang sa ganoon ang natatagong kakayahan ng lokal na mga populasyon na lumikha ng gayong pagtutugunang ng iba’t-ibang bahagi ay matupad. Malaki ang tungkulin ng mga naglilingkod bilang mga tutor kaugnay nito. Sa kanila ay ang hamon na lumikha ng kapaligiran na nakini-kinita sa mga kurso ng institute, isang kapaligiran na nakatutulong sa espirituwal na pagbibigay-lakas sa mga indibiduwal, na sa dakong huli ay makikita ang kanilang mga sarili bilang masiglang mga kinatawan ng kanilang sariling pagsisikap na matuto, bilang pangunahing mga tagapagtaguyod ng isang patuloy na pagsisikap na isagawa ang kaalaman upang magkabisa sa indibiduwal at pangkalahatang pagbabago. Kung mabigo dito, gaanuman karami ang mga study circle na nabuo sa isang cluster, ang lakas na kinakailangan upang isulong ang pagbabago ay hindi malilikha.

12. Kung ang gawain ng tutor ay dapat umabot sa pataas nang pataas na mga antas ng kahusayan, kailangang tandaan na ang may pangunahing pananagutan para sa pagpaparami ng mga yaman-tao sa isang rehiyon o bansa ay nasasalalay sa training institute. Habang sinisikap na paramihin ang bilang ng mga kalahok nito, ang institute bilang isang balangkas (structure)— mula sa board, tungo sa mga coordinator sa iba’t-ibang mga antas, hanggang sa mga tutor sa antas ng masa—ang lahat ay dapat magbigay ng magkakapantay na pagbibigay-diin sa pagkamabisa ng sistema sa kabuuan nito, sapagka’t, sa huling pagsusuri, ang patuloy na tinatamong dami sa bilang ay mababatay sa humuhusay na kalidad. Sa antas ng cluster, ang coordinator ay dapat gamitin ang kapwa praktikal na karanasan at sigla sa kanyang mga pagsisikap na samahan yaong mga naglilingkod bilang mga tutor. Sa tuwi-tuwina, siya ay dapat magsaayos ng mga pagtitipon upang mapagnilayan ang kanilang mga pagsisikap. Ang mga pagtitipon na isinaayos upang muling ulitin ang pag-aaral ng ilang mga bahagi mula sa mga aralin ng institute sa tuwi-tuwina ay maaaring makatulong, hangga’t hindi ito lumilikha ng pangangailangan sa walang-katupusang pagsasanay. Ang mga kakayahan ng isang tutor ay patuloy na umuunlad habang ang indibiduwal ay pumapasok sa larangan ng paggawa at tumutulong sa iba upang makatulong sa pagtatamo ng layunin ng kasalukuyang serye ng pandaigdig na mg Plano, sa pamamagitan ng pag-aaral ng serye ng mga kurso at sa pagsasagawa ng praktikal na mga bahagi nito. Habang ang mga lalake at mga babae ng magkakaibang mga edad ay sumusulong sa serye at natatapos ng pag-aaral ng bawa’t kurso sa tulong ng mga tutor, ang iba ay dapat maging handa na samahan sila sa pagsasagawa ng mga acts of service sang-ayon sa kanilang mga lakas at mga interes—lalo na ang mga coordinator para sa mga children’s class, ng mga junior youth group, at ng mga study circle, mga gawain ng paglilingkod na lubhang kinakailangan para sa pagpapatuloy ng sistema mismo. Upang matiyak na ang wastong antas ng kasiglahan ay pumipintig sa sistemang ito ay ang dapat na maging patuloy na layunin ng matitinding pagsisikap na matuto sa bawa’t bansa sa loob ng papasok na labindalawang buwan.

13. Ang pagmamalasakit sa espirituwal na edukasyon ng mga bata ay matagal nang bahagi ng kultura ng pamayanang Bahá’í, isang pagmamalasakit na nagbunga ng dalawang magkasabay na umiiral na mga katotohanan. Ang isa, tinutularan ang mga tagumpay ng mga Bahá’í ng Iran, ay natatangi sa kakayahang magbigay ng may sistemang mga klase, mula sa isang grado patungo sa kasunod, para sa mga anak ng mga pamilyang Bahá’í, na sa kadalasan ang layunin ay ang ibahagi ang pangunahing kaalaman tungkol sa kasaysayan at mga turo ng Pananampalataya sa sumusunod na mga salinlahi. Sa maraming mga bahagi ng daigdig, ang bilang ng mga nakikinabang sa gayong mga klase ay maliit-liit pa lamang. Ang isa pang katotohanan ay lumilitaw sa mga lugar kung saan ang malakihang pagsapi ay naganap, kapwa sa mga kanayunan at sa mga lunsod. Ang isang saloobin na higit na tanggapin ang lahat ay nangibabaw sa gayong karanasan. Subali’t, habang ang mga bata mula sa lahat ng uri ng pamilya ay kapwa sabik na dumalo at malugod na tinatanggap sa gayong mga klase ng Bahá’í, iba’t-ibang mga kadahilanan ang pumigil sa pagsasagawa ng gayong mga pag-aaral nang may kinakailangang antas ng pagiging regular, sa sunod-sunod na taon. Lubos naming ikinagagalak makita na itong dalawang anyo ng katotohanan, na bunga ng pangangailangan ng kasaysayan, ay nagsisimula nang mawala habang ang mga kaibigan na sinasanay ng institute sa lahat ng dako ay nagsusumikap na magbigay ng mga klase na regular na bukas sa lahat, sa isang

masistemang paraan.

14. Ang gayong nagbibigay pag-asang mga simula ay dapat na ngayong ipagpatuloy. Sa bawa’t cluster na may isinasagawang intensive program of growth, ay kinakailangang magkaroon ng mga pagsisikap upang gawaing higit pang masistema ang pagbibigay ng espirituwal na edukasyon sa dumaraming bilang ng mga bata, mula sa mga pamilya na maraming mga uri ng pinanggalingan—na isang pangangailangan sa proseso ng pagtatatag ng lipunan na nagsisimulang bumilis ang buwelo sa mga magkakapit-bahay at mga nayon. Ito ay magiging lubhang mapanghamon na gawain, yaong humihingi ng tiyaga at pagtutulungan kapwa mula sa mga magulang at sa mga institusyon. Hinihiling sa Ruhi Institute na pabilisin ang mga plano na tapusin ang mga kurso nito para sa pagsasanay ng mga guro ng mga children’s class sa iba’t ibang grado kasama ang kaukulang mga aralin, simula sa mga musmos na may edad ng 5 o 6 at nagpapatuloy hanggang doon mga nasa edad na 10 o 11, upang masarhan ang kasalukuyang puwang sa umiiral na mga aralin at ang mga aralin nito para sa mga junior youth, tulad ng Spirit of Faith at ang malapit nang ilabas na Power of the Holy Spirit , na nagbibigay ng maliwanag na bahagi sa Bahá’í na programa para sa magkaka-edad na grupong iyon. Habang ang karagdagang mga kurso at mga aralin ay mailalabas na, ang mga institute sa bawa’t bansa ay magagawang ihanda ang mga guro na ito at ang mga coordinator na kinakailangang mailagay sa puwesto, sa sunod-sunod na grado, ang pinaka-buod ng isang programa para sa espirituwal na edukasyon ng mga bata, na sa palibot nito ang pantulong na mga elemento ay maaaring maisaayos. Samantala, ang mga institutes ay dapat gawain ang kanilang lubos na makakaya upang ibigay sa mga guro ang angkop na mga materyal, mula sa mga kasalukuyang matatagpuan na, upang magamit sa kanilang mga klase sa mga bata na

magkakaiba ang edad, sang-ayon sa pangangailangan.

15. Nakamtan ng International Teaching Centre ang aming namamalaging pasasalamat dahil sa napakahalagang sigla na ibinigay nito sa mga pagsisikap na makamtan nang maaga ang layunin ng Five Year Plan. Ang makita ang antas ng sigla na ibinuhos nito sa pandaigdig na gawaing ito, sa mahigpit na pagsubaybay sa pagsulong sa bawa’t kontinente at sa malapit na pakikipagtulungan sa mga Continental Counsellor, ay ang makasulyap sa kamangha-manghang kapangyarihan na likas sa Pampangasiwaang Kaayusan. Sa pagbabaling ng pansin ngayon ng Teaching Centre nang may gayunding sigla sa mga suliraning nauugnay sa bisa ng mga gawain sa antas ng cluster, walang alinlangan na bibigyan nito ng bukod-tanging pagsasaalang-alang ang pagsasagawa ng mga Bahá’í children’s class. Kami ay nagtitiwala na ang pagsusuri nito sa karanasang nakamtan mula sa ilang piniling mga cluster sa papasok na taon, na kumakatawan sa magkakaibang mga tunay na buhay ng lipunan, ay magbibigay-liwanag sa praktikal na mga katanungan na magbibigay-daan upang makapagtatag ng regular na mga klase, para sa mga bata ng bawa’t edad, sa mga magkakapit-bahay at sa mga nayon.

16. Ang mabilis na paglaganap ng programa ng espirituwal na pagbibigay-lakas sa mga junior youth ay isa pang paghahayag ng pagsulong ng kultura ng pamayanang Bahá’í. Habang ang pandaigdig na mga kalakaran ay naglalarawan sa grupo ng edad na ito bilang punong-puno ng problema, naliligaw sa mga silakbo ng magugulong pagbabago ng katawan at ng mga damdamin, hindi madaling talaban ng mga damdamin at abala lamang sa sarili, ang pamayanang Bahá’í—sa pananalitang ginagamit nito at sa mga paraang ginagawa nito—ay walang alinlangang nagtutungo sa kasalungat na direksiyon, na sa halip ay nakikita sa mga junior youth ang walang-bahid ng pagka-makasariling pagtatalaga sa kabutihan ng iba, ng matalas na diwa ng pagka-makatarungan, ng kasabikang matuto tungkol sa sanlibutan at ng hangaring makatulong sa paglikha ng higit na mabuting daigdig. Ang sunod-sunod na salaysay, kung saan ang mga junior youth mula sa iba’t-ibang mga bansa sa buong daigdig ay ipinahahayag ang kanilang mga kaisipan bilang mga kalahok ng programa, ay sumasaksi sa katumpakan ng pangitaing ito. Lahat ng palatandaan ang programa ay nakahahalina sa kanilang lumalawak na kabatiran sa isang pagsasaliksik sa tunay na buhay ay nakatutulong sa kanila upang suriin ang nakabubuo at ang nakasisira na mga lakas na umiiral sa lipunan at upang makilala ang impluwensiya ng mga lakas na ito sa kanilang mga kaisipan at mga kilos, hinahasa ang kanilang espirituwal na pang-unawa, pinahuhusay ang kanilang mga kakayahang makapagpahayag at pinatitibay ang moral na mga balangkas na magagamit nila sa kanilang buong buhay. Sa isang edad na kung kailan ang namumukadkad na pangkaisipan, espirituwal at pisikal na mga kapangyarihan ay nagagamit na nila, sila ay binibigyan ng mga kagamitang kinakailangan upang mapaglabanan ang mga lakas na nagtatangkang nakawin sa kanila ang kanilang tunay na pagkatao bilang marangal na nilikha at upang gumawa para sa ikabubuti ng lahat.

17. Na ang pangunahing bahagi ng programa ay sinasaliksik ang mga tema mula sa Bahá'í na pananaw, subali’t hindi sa anyo ng pagtuturo ng relihiyon, ay nagbukas ng daan upang maipaabot ito sa mga junior youth sa magkakaibang mga kapaligiran at mga kalagayan. Karamihan sa gayong mga pagkakataon, kung gayon, ay yaong mga nagpapatupad ng programa na buong tiwala na pumapasok sa larangan ng pagkilos sa lipunan, nakatatagpo ng isang hanay ng mga katanungan at mga maaaring magawa, na sinusundan at isinasaayos sa isang pandaigdig na proseso ng pagsisikap ng pagkatuto sa pamamagitan ng Office of Social and Economic Development sa Banal na Lupain. Ang natitipong kabuuan ng kaalaman at karanasan ay nagbunga na ng kakayahan sa ilang mga cluster sa buong daigdig na ang bawa’t isa ay nagbibigay-lakas sa mahigit na isang libong junior youth sa programa. Upang matulungan ang iba na mabilis na makasulong sa direksiyong ito, ang Office ay nagtatatag ng magkaka-ugnay na mga site sa lahat ng kontinente, sa tulong ng isang pangkat ng mga mananampalataya, na maaaring magamit para sa pagsasanay ng mga coordinator mula sa napakaraming (scores upon scores) mga cluster. Ang mga resource person na ito ay patuloy na tutulong sa mga coordinator sa pagbabalik nila sa kani-kanilang mga cluster, tutulungan silang makalikha ng isang kapaligirang puspos ng espiritu na kung saan ang programa sa junior youth ay maaaring makapag-ugat.

18. Ang kaalaman ay tiyak na madadagdagan pa sa larangan ng pagsisikap na ito, bagaman ang paraan ng pagkilos ay maliwanag na. Ang kakahayan lamang ng pamayanang Bahá’í ang pumipigil sa antas ng pagtugon nito sa hinihingi ng programa ng mga paaralan at ng mga grupong pangsibiko. Sa loob ng mga cluster na sa ngayon ay pinagtutuunan ng intensive programme of growth, mayroong malawak na hanay ng mga kalagayan, mula doon sa iilan lamang na kalat-kalat na mga junior youth group hanggang doon sa ang bilang ay sapat na upang mangailangan ng paglilingkod ng isang nakatalagang coordinator, na maaaring tumanggap ng patuloy na tulong mula sa isang site para sa pagpapalaganap ng mga natutunan. Upang makatiyak na ang kakayahang ito ay madadagdagan pa sa kabuuang saklaw ng mga cluster na ito, kami ay nananawagan sa pagtatag ng 32 learning site, na ang bawa’t isa ay paglilingkuran ang humigit-kumulang sa 20 cluster na may full-time coordinator , na magsisimula nang kumilos bago magtapos ng kasalukuyang Plano. Sa lahat ng ibang gayong mga cluster, ang dapat unahin ay ang paglikha ng kakayahan sa loob ng papasok na taon na maibigay ang programa, na masistemang pinadadami ang bilang ng mga grupo.

19. Ang mga pag-unlad na nabanggit na namin hanggang dito—ang pagtaas ng kakayahan na ituro ang Pananampalataya nang tuwiran at ang pumasok sa makabuluhang talakayan sa mga tema na may espirituwal na kahalagahan sa mga tao mula sa lahat ng antas ng buhay, ang pagyabong ng isang paraan ng pag-aaral ng mga kasulatan na kaakibat ang pagkilos, ang panunumbalik ng pagtitika na magbigay ng regular na espirituwal na edukasyon sa mga bata sa mga magkakapitbahay, at ang paglaganap ng impluwensiya ng programa na nagtatamin sa mga junior youth ng dalawang layuning moral, na paunlarin ang kanilang angking mga kakayahan at ang tumulong sa pagbabago ng lipunan—ang lahat ng ito ay pinalalakas, sa hindi maliit na sukat, ng isa pang pagsulong sa antas ng kultura, na tunay na napakalawak ang mga ipinahihiwatig nito. Ang ebolusyon na ito sa pangkalahatang kamalayan ay makikita sa dumaraming pagkakataon na lumilitaw ang salitang “accompany” o “samahan” sa mga pag-uusap ng mga kaibigan, isang salita na pinagkakalooban ng panibagong kahulugan habang ito ay naisasama sa pangkaraniwang bokabularyo ng pamayanang Bahá’í. Naghuhudyat ito ng malakihang pagpapalakas sa isang kultura na kung saan ang pagsisikap matuto ay ang paraan ng pagkilos, isang paraan na pinagyayaman ang nakababatid na pakikilahok ng parami nang paraming mga tao sa isang nagkakaisang pagsisikap na gamitin ang mga turo ni Bahá’u’lláh sa pagtatatag ng isang banal na kabihasnan, na sang-ayon sa Guardian ay ang pangunahing misyon ng Pananampalataya. Ang gayong pamamaraan ay nag-aalay ng kagila-gilalas na pagkakaiba sa espirituwal na kasalatan at malapit nang mamatay na mga paraan ng isang lumang panlipunang kaayusan na lubhang madalas na sikaping gamitin ang lakas ng tao sa pamamagitan ng paghahari, sa pamamagitan ng kasakiman, sa pamamagitan ng pagpapadama na nagkakasala o sa pamamagitan ng panglilinlang.

20. Sa mga ugnayan ng mga kaibigan, kung gayon, ang ganitong pag-unlad ng kultura ay naihahayag sa pamamagitan ng katangian ng kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa. Ang pagsisikap na matuto bilang isang gawi ng pagkilos ay nangangailangan na ang lahat ay mag-angkin ng saloobin ng pagpapakumbaba, isang kalagayan na kung saan ang tao ay nililimot ang sarili, inilalagay ang ganap na pagtitiwala sa Diyos, umaasa sa Kanyang kapangyarihang nakatutustos sa lahat at nakatitiyak sa Kanyang walang-maliw na tulong, batid na Siya, at Siya lamang, ang maaaring makapagbago ng isang niknik na maging lawin, isang patak na maging walang-hanggang karagatan. At sa gayong kalagayan, ang mga kaluluwa ay walang-puknat na gumagawa nang sama-sama, nagagalak hindi sa kanilang sariling mga tagumpay kundi sa pagsulong at paglilingkod ng iba. Sa gayon ang kanilang mga kaisipan ay nakatuon sa buong panahon sa pagtutulungan ng isa’t-isa upang maabot ang mga rurok ng paglilingkod sa Kanyang Kapakanan at pumailanlang sa kalangitan ng Kanyang kaalaman. Ito ang aming nakikita sa kasalukuyang paraan ng paggawa na namumukadkad sa buong daigdig, pinalalaganap ng mga bata at ng matatanda, ng mga beterano at ng bagong sapi, na magkaka-akibat na gumagawa.

21. Ang pagsulong na ito sa kultura ay hindi lamang nagkakabisa sa mga ugnayan ng mga indibiduwal, subali’t ang mga bisa nito ay nadarama rin sa pagsasagawa ng pampangasiwaang mga gawain ng Pananampalataya. Habang ang pagkatuto ay nagiging katangian ng paraan ng pagkilos ng pamayanan, ang ilang mga aspeto ng paggawa ng desisyon kaugnay ng pagpapalawak at pagpapatatag ay ipinaubaya na sa lupon ng mga mananampalataya, na nagbibigay-daan upang ang pagpaplano at pagsasagawa ay maging higit na nakatutugon sa mga kalagayan sa kinaroroonan. Nang tiyakan, ang isang puwang ay nilikha, sa pamamagitan ng reflection meeting, upang yaong mga nakikilahok sa mga gawain sa antas ng cluster ay makapagtipon sa tuwi-tuwina upang mapagkasunduan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang sitwasyon, batay sa liwanag na ibinibigay ng karanasan at ng patnubay mula sa mga institusyon, at upang tiyakin ang kanilang kagyat na mga hakbang na gagawain sa pagsulong. Ang kahalintulad na puwang ay binuksan rin ng institute, na nagbibigay-daan upang yaong mga naglilingkod bilang mga tutor, mga children’s class teacher, at mga animator ng mga junior youth group sa isang cluster ay maaaring magkaroon ng kanya-kanyang pagtitipon at pagsanggunian ang kanilang karanasan. Malapit na nauugnay sa prosesong ito ng sanggunian sa antas ng masa ay ang mga agency ng training institute at ng Area Teaching Committee, kasama ang mga Auxiliary Board member, na ang kanilang mga pag-uugnayan ay lumilikha ng isa pang puwang upang kung saan ang mga pasiya tungkol sa paglaki ay ginagawa, sa pagkakataong ito nang higit na pormal. Ang mga pagkilos ng sistemang ito sa antas ng cluster, na bunga ng pangangailangan, ay nagtuturo ng isang mahalagang katangian ng pangasiwaang Bahá’í: Tulad rin ng nabubuhay na organismo, nakapaloob dito ang kakayahang tumanggap ng pataas nang pataas na mga antas ng pagkaka-hugnay (complexity) ng mga estruktura at mga proseso, ng mga ugnayan at mga gawain, habang ito ay nagbabago sa ilalim ng pamamatnubay ng Universal House of Justice.

22. Na ang mga institusyon ng Pananampalataya sa lahat ng mga antas—mula sa lokal at pangrehiyon, hanggang sa pambansa at pandaigdig—ay nagagawang pamahalaan ang gayong lumalaking pagkaka-hugnay nang may patuloy na lumalaking kahusayan ay kapwa isang palatandaan at pangangailangan ng kanilang patuloy na pagtungo sa kaganapan. Ang nagbabagong mga ugnayan sa pag-itan ng pampangasiwaang mga estruktura ay naghatid sa Local Assembly sa bungad ng isang panibagong yugto sa pagpapatupad ng mga tungkulin nito sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos, sa pagpapakilos ng mga sigla ng mga mananampalataya, at sa paglikha ng isang kapaligiran na nagpapakita ng espirituwal na halimbawa. Noong nakaraang mga pagkakataon ay ipinaliwanag namin na ang kaganapan ng isang Spiritual Assembly ay hindi masusukat sa pagiging regular ng mga pagtitipon nito at ng kahusayan ng pagkilos lamang. Sa halip ang lakas nito ay dapat sukatin, sa malaking antas, sa sigla ng espirituwal at panlipunang pamumuhay ng pamayanang pinaglilingkuran nito—isang lumalaking pamayanan na malugod na tumatanggap sa nakabubuting mga tulong ng kapwa mga pormal na sumapi at ng mga hindi pa. Nakalulugod makita na ang kasalukuyang mga, kaparaanan, mga pamamaraan at mga instrumento ay nagbibigay-daan upang ang mga Local Spiritual Assembly, kahit yaong mga kabubuo pa lamang, na tuparin ang mga tungkuling ito habang tinitiyak nila na ang mga pangangailangan ng Five Year Plan ay sapat na natutugunan sa kanilang mga lokalidad. Sa katunayan, ang wastong pakikilahok ng Assembly sa Plano ay napakahalaga sa bawa’t pagsisikap na sumaklaw ng malakihang mga bilang—na ito mismo ay isang pangangailangan upang maihayag ang ganap na saklaw ng mga kapangyarihan at mga kakayahan nito.

23. Ang pag-unlad na tiyak na masasaksihan natin sa mga Local Spiritual Assembly sa susunod na ilang mga taon ay ginawang mangyari ng lumalaking lakas ng mga National Spiritual Assembly, na ang kakayahang mag-isip at maparaang kumilos ay kapansin-pansing tumaas, lalo na dahilan sa natutunan nilang suriin ang proseso ng pagtatag ng pamayanan sa antas ng masa nang may higit na katalinuhan at bisa at ang ipasok dito, sang-ayon sa pangangailangan, ang tulong, mga yaman, ang pagbibigay ng lakas ng loob at mapagmahal na patnubay. Sa mga bansa na nangangailangan nito, ipinagagawa na nila ang ilan sa kanilang mga tungkulin kaugnay nito sa mga Regional Council, pinaghahatian sa gayon ang ilang mga gawaing pampangasiwaan, pinahuhusay ang kakayan ng mga institusyon sa mga lugar na kanilang sakop, at pinagyayaman ang kaalaman sa mga nakatakdang ugnayan. Hindi kalabisang sabihin na ang ganap na pakikilahok ng mga National Assembly ay nakatulong sa paglikha ng huling pagbubunsod na kinailangan upang matamo ang layunin ng kasalukuyang Plano, at inaasahan naming makita ang karagdagan pang mga pag-unlad sa direksiyong ito habang, sa pakikipagtulungan nila sa mga Counsellors, sila sa paglakad nitong napakahalaga at mabilis na lumalakad na mga buwang hinaharap, sila ay magbibigay ng sukdulang pagpupunyagi upang ihanda ang kanilang mga pamayanan na mailunsad ang kasunod na limang-taon na gawain.

24. Hindi mapag-aalinlangan, ang ebolusyon ng institusyon ng mga Counsellor ay bumubuo sa isa sa pinaka-mahalagang pagsulong sa Pampangasiwaang Kaayusan ng Bahá’í sa loob ng nakaraang dekada. Ang institusyong iyon ay nagkaroon na ng bukod-tanging malalaking hakbang sa pag-unlad nito nang, noong Enero 2001, ang mga Counsellor at mga Auxiliary Board member ay nagtipon sa Banal na Lupain para sa kumperensiya na nagtanda sa paglipat ng International Teaching Centre sa permanenteng luklukan nito sa Mount Carmel. Walang aalinlangan na ang mga lakas na pinakawalan ng kaganapang iyon ay nagbunsod sa institusyon upang mabilis na sumulong. Ang antas ng impluwensiya ng mga Counsellor at ng kanilang mga auxiliary na kanilang ginamit nila upang isulong ang Plano ay nagpapakilala na pinangatawanan na nila ang kanilang natural na katayuan bilang nangunguna sa larangan ng pagtuturo. Nakatitiyak kami na ang papasok na panahon ay higit pang paglalapitin ang mga institusyon ng Pampangasiwaang Kaayusan sa pagtutulungan, habang ang lahat ay nagsusumikap na palakasin, sang-ayon sa nagbabagong mga tungkulin at mga pananagutan ng bawa’t isa, ang paraan ng pagsisikap na matuto na naging napakahalagang katangian ng pagkilos ng pamayanan—ito, higit na mahigpit ang pangangailangan sa mga cluster na iyon na nagsasagawa ng intensive program of growth.

25. Ang Rebelasyon ni Bahá’u’lláh ay napakalawak. Nananawagan ito sa napakalalim na pagbabago hindi lamang sa antas ng indibiduwal kundi sa balangkas rin ng lipunan. “Hindi ba ang layunin ng bawa’t Rebelesyon,” ipinahayag Niya Mismo, “ay upang ipatupad ang pagbabago sa buong katangian ng sangkatauhan, isang pagbabago na ihahayag ng sarili nito, kapwa sa panlabas at panloob, na magkakabisa sa kapwa panloob na pamumuhay nito at panlabas na mga kalagayan?” Ang gawaing isinusulong ngayon sa bawa’t sulok ng daigdig ay kumakatawan sa pinakahuling yugto ng patuloy na pagsisikap na Bahá'í na likhain ang pinakabuod ng maluwalhating kabihasnan na nakadambana sa Kanyang mga turo, ang pagtatatag nito ay isang gawaing walang-hanggan ang pagkakahugnay at napakalaki, isang gawain na humihingi ng mga daang-taon ng pagsisikap ng sangkatauhan upang makamtan ang pamumunga. Walang madaliang mga paraan, walang mga pormula. Sa pamamagitan lamang ng pagsisikap na makakukuha ng mga pagka-unawa mula sa Kanyang Rebelasyon, sa paggamit ng dumaraming kaalaman ng sangkatauhan, sa matalinong pagpapatupad ng Kanyang mga turo sa pamumuhay ng sangkatauhan, at sa pagsasanggunian sa mga katanungang lilitaw ay doon lamang matatamo ang kinakailangang matutunan at ang kakayahan ay mapauunlad.

26. Sa napakahabang prosesong ito ng pagpapalakas ng kakayahan, ang pamayanang Bahá’í ay naglaan na ng halos isa’t kalahing dekada sa pagsasa-ayos ng may sistemang karanasan nito sa larangan ng pagtuturo, natutong magbukas ng ilang mga gawain sa paparaming mga tao at mapanatili ang pagpapalawak at pagpapatatag nito. Ang lahat ay malugod na tinatanggap sa maalab na yakap ng pamayanan at tumanggap ng panustos mula sa nagbibigay-buhay na mensahe ni Bahá’u’lláh. Tiyak na wala nang hihigit na kaligayahan pa para sa isang kaluluwa, na nangungulila sa Katotohanan, na matagpuan ang kanlungan sa kuta ng Kapakanan at kumuha ng lakas mula sa nagbibigkis na kapangyarihan ng Banal na Kasunduan. Gayumpaman ang bawa’t tao at bawa’t pangkat ng mga indibiduwal, hindi isinasa-alang-alang kung sila ay nabibilang sa Kanyang mga tagasunod, ay maaaring kumuha ng inspirasyon mula sa Kanyang mga turo, nakikinabang sa anumang mga hiyas ng dunong at kaalaman na makatutulong sa kanila sa paglutas ng mga hamon na hinaharap nila. Sa katunayan, ang kabihasnan na tumatawag sa sangkatauhan ay hindi matatamo sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng pamayanang Bahá’í lamang. Ang napakaraming mga grupo at mga organisasyon, na pinakikilos ng diwa ng pakiki-isa ng daigdig na isang di-tuwirang paghahayag ng kaalaman ni Bahá’u’lláh sa simulain ng kaisahan ng sangkatauhan, ay makatutulong sa kabihasnan na natataddhanang lumitaw mula sa pagkabalisa at kaguluhan ng kasalukuyang lipunan. Dapat maging maliwanag sa lahat na ang kakayahang nilikha sa pamayanang Bahá’í sa loob ng sunod-sunod na pandaigdig na mga Plano ay ginagawa itong higit na may kakayahang magbigay ng tulong sa napakarami at magkakaibang mga saklaw ng pagtatatag ng kabihasnan, na nagbubukas dito ng panibagong mga hangganan ng pagsisikap matuto.

27. Sa aming mensahe ng Ridvan 2008 sinabi namin na habang ang mga kaibigan ay nagpapatuloy na gumawa sa antas ng cluster, matatagpuan nila ang kanilang mga sarili na hinihila nang palalim nang palalim sa pamumuhay ng lipunan at hahamunin silang ipaabot ang proseso ng masistemang pagkatuto kung saan sila ay abala na paabutin ito sa isang lumalawak na hanay ng mga pagsisikap ng tao. Ang isang mayamang dibuho ng tapestriya ng pamumuhay ng pamayanan ay nagsisimulang lumitaw sa bawa’t cluster habang ang mga gawain ng sama-samang pagsamba, na sa pag-itan nito ay may mga talakayan na isinasagawa sa matalik na kapaligiran ng tahanan, ay hinahabi sa mga gawain na nagbibigay ng espirituwal na edukasyon sa lahat ng mga bahagi ng populasyon—mga nasa hustong gulang, mga kabataan at mga bata. Ang panlipunang kamalayan ay likas na tumataas habang, halimbawa, ang masiglang pag-uusap ay kumakalat sa mga magulang tungkol sa mga hangarin ng kanilang mga anak at ang mga proyekto ng paglilingkod ay lumilitaw sa pagkukusa ng mga junior youth. Kapag ang mga yaman-tao sa cluster ay sapat na ang dami, at ang paraan ng paglaki ay matibay nang naitatag, ang pakikipag-ugnayan ng pamayanan sa lipunan ay maaari na, at dapat lamang, na lumaki. Sa napakahalagang yugto na ito sa pamumukadkad ng Plano, kung kailan ang napakaraming mga cluster ay lumalapit na sa gayong yugto, waring nararapat lamang na pagnilay-nilayin ng mga kaibigan sa lahat ng dako ang likas na katangian ng mga tulong na ibibigay ng kanilang lumalaki at masiglang mga pamayanan para sa materyal at espirituwal na pagsulong ng lipunan. Kaugnay nito, magiging mabunga na pag-isipan ito bilang dalawang magkaka-ugnay at nagtutulungang larangan ng gawain: ang pakikilahok sa panglipunang pagkilos (social action) at ang pakikilahok sa umiiral na mga talakayan sa lipunan.

28. Sa nakaraang mga dekada, ang pamayanang Bahá’í ay nakalikom ng maraming karanasan sa dalawang larangan na ito ng pagsisikap. Mangyari pa, mayroong maraming mga Bahá’í na nakikilahok bilang mga indibiduwal sa panlipunang pagkilos at sa talakayan ng madla sa pamamagitan ng kani-kanilang mga trabaho. Ang ilang bilang ng mga non-governmental organization, na binigyang-sigla ng mga turo ng Pananampalataya at gumagawa sa antas ng rehiyon at pambansa, ay kumikilos sa larangan ng panlipunan at pangkabuhayang pag-unlad (social and economic development) para sa ikabubuti ng kanilang mga mamamayan. Ang mga tanggapan ng mga National Spiritual Assembly ay tumutulong sa iba’t-ibang paraan upang itaguyod ang mga ideya na makabubuti sa kalagayan ng madla. Sa pandaigdig na antas, ang mga tanggapan na tulad ng United Nations Office ng Bahá’í International Community ay gumagawa ng katulad na tungkulin. Sa abot ng pangangailangan at kanais-nais, ang mga kaibigang gumagawa sa antas ng cluster ay gagamitin ang karanasan at kakayahang ito habang sinisikap nilang harapin ang mga pinagkaka-abalahan ng lipunan na nasa palibot nila.

29. Higit na angkop na isipin bilang isang hanay ng magkakaibang bagay, ang panlipunang pagkilos ay maaaring magmula sa di-gaanong pormal na mga pagsisikap na limitado ang panahong itatagal na isinasagawa ng mga indibiduwal o ng maliliit na mga grupo ng mga kaibigan hanggang sa mga programa ng panlipunan at pangkabuhayang pag-unlad na mataas na ang antas ng pagkakahugnay at kaalaman na isinasagawa ng Bahá’í-inspired na mga organisasyon. Anuman ang saklaw at laki nito, ang lahat ng pagkilos sa lipunan ay sinisikap gamitin ang mga turo at mga simulain ng Pananampalataya upang mapabuti ang ilang aspeto ng panlipunan o pangkabuhayang pamumuhay ng isang populasyon, gaanuman katamtaman ito. Ang gayong mga pagsisikap ay natatangi, kung gayon, sa pamamagitan ng kanilang hayag na layunin na itaguyod ang materyal na kagalingan ng populasyon, na karagdagan sa espirituwal na kalagayan nito. Na ang pandaigdig na kabihasnan na nasa guhit-tagpuan ngayon ng sangkatauhan ay kailangang matamo ang isang masiglang pagtutugunan ng pag-uugnayan sa pag-itan ng materyal at espirituwal na mga pangangailangan ng buhay ay ang pinaka-buod ng mga turo ng Bahá’í. Maliwanag na ang huwarang ito ay mayroong napakalalim na mga ipinahihiwatig para sa likas na katangian ng anumang pagkilos sa lipunan na isinasagawa ng mga Bahá’í, maging anuman ang lawak at saklaw ng impluwensiya nito. Bagaman ang mga kalagayan ay magkakaiba mula sa isang bansa at sa ibang bansa, at maaaring mula sa isang cluster at sa ibang cluster, na nagtatamo mula sa mga kaibigan ng magkakaibang mga pagsisikap, mayroong ilang pangunahing konsepto na dapat isaisip ng lahat. Ang isa ay pagtitipon ng kaalaman sa buhay ng lipunan. Ang pamamalagi ng kamangmangan ay isa sa pinakamalupit na paniniil; pinatitibay nito ang maraming mga pader ng mali at walang batayang paniniwala na tumatayo bilang mga hadlang sa pagsasakatuparan ng kaisahan ng sangkatauhan, na ito ang kapwa layunin at pangunahing simulain na pinaiiral sa Rebelasyon ni Bahá’u’lláh. Ang pagkakataong makamtan ang kaalaman ay karapatan ng bawa’t tao, at ang pakikilahok sa paglikha, paggamit at pagpalaganap nito ay isang tungkulin na dapat isabalikat ng bawa’t isa sa dakilang gawain ng pagtatatag ng isang masaganang pandaigdig na kabihasnan—bawa’t isang indibiduwal sang-ayon sa kanyang mga talino at mga kakayahan. Hinihingi ng katarungan na magkaroon ng pangkalahatang pakikilahok. Sa gayon, habang ang panlipunang pagkilos ay maaaring kapalooban ng pagbibigay ng mga kapakinabangan at mga serbisyo sa ilang anyo, ang pangunahing isinasaalang-alang nito ay dapat na maging ang paglikha ng kakayahan sa isang tanging populasyon upang makilahok sa paglikha ng isang higit na mabuting daigdig. Ang pagbabago sa lipunan ay hindi isang proyekto na isinasagawa ng isang grupo ng mga tao para sa kapakinabangan ng iba. Ang saklaw at pagkakahugnay ng panlipunang pagkilos ay dapat na may katumbas na mga yaman-tao na naroroon na sa isang nayon o magkakapit-bahay upang mapasulong ito. Ang mga pagsisikap, kung gayon, ay pinakamahusay na magsimula sa maliliit na antas at lumaki nang kusa habang umuunlad ang kakayahan sa loob ng populasyon. Mangyari pa, ang kakayahan ay lumalaki patungo sa bagong mga antas habang ang mga nagtataguyod ng panlipunang pagbabago ay natututong gamitin nang may papalaking mabisa ang mga elemento ng Rebelasyon ni Bahá’u’lláh, kasama ng mga nilalaman at mga pamamaraan ng agham, sa kanilang panlipunang tunay na buhay. Ang katotohanang ito ay kailangan nilang sikaping mabasa sa paraan na tumutugma sa Kanyang mga turo—nakikita ang kanilang mga kapwa tao bilang mga hiyas na hindi matasahan ang halaga at nakikilala ang mga epekto ng dalawang proseso ng pagbubuo at pagwawasak kapwa sa mga puso at mga isipan, at gayundin sa mga balangkas ng lipunan.

30. Ang mabisang panglipunang pagkilos ay nagsisilbi upang pagyamanin ang pakikilahok sa mga talakayan sa lipunan, tulad rin ng malalalim na mga pagkaunawa na natatamo mula sa pakikilahok sa ilang mga talakayan ay nakatutulong upang linawin ang mga konsepto na nagbibigay-hugis sa panlipunang pagkilos. Sa antas ng cluster, ang pakikilahok sa talakayan ng madla ay maaaring sumaklaw mula sa isang gawaing kasing simple ng pagpapakilala ng mga ideyang Bahá’í sa pang-araw-araw na usapan hanggang sa higit na pormal na mga gawain tulad ng paghahanda ng mga lathalain at pagdalo sa mga pagtitipon na nakatalaga sa mga paksa na pinahahalagahan sa lipunan—ang pagbabago ng klima, ang pamamahala at ang mga karapatang pantao, sa pagbanggit lamang ng ilan. Kasama rin dito, gayundin, ang makabuluhang mga pakikipag-ugnayan sa mga grupong pansibiko at lokal na mga kapisanan sa mga nayon at mga magkakapit-bahay.

31. Kaugnay nito, nadarama naming dapat kaming magbigay ng babala. Mahalaga parfa sa lahat na maunawaan ang kahalagahan ng pakikilahok sa panlipunang pagkilos at talakayan ng madla ay hindi sinusukat ng kakayahang magpasapi. Bagaman ang mga pagsisikap sa dalawang larangan na ito ay maaari ngang magbunga ng paglaki ng pamayanang Bahá’í, ang mga ito ay hindi dapat gawain dahil sa kadahilanang ito. Ang pagiging matapat kaugnay nito ay isang kautusan. Higit dito, kailangang gawain ang pag-iingat upang iwasan ang pagmamalabis sa paghahayag ng karanasan ng Bahá’í o ng pagtawag ng di-nararapat na pansin tungkol sa mga nagsisimula pa lamang na mga pagsisikap, tulad ng junior youth spiritual empowerment program, na pinakamabuting hayaan lamang muna na umabot sa kaganapan sa sarili nitong tulin. Ang salawikain sa lahat ng pagkakataon ay ang pagpapakumbaba. Habang ibinabahagi ang kasiglahan sa kanilang mga paniniwala, ang mga kaibigan ay dapat mag-ingat na paglabanan nila ang gawi ng pagmamataas sa tagumpay, na hindi na naaangkop sa kanilang mga sarili mismo, at lalo nang hindi sa iba pang mga pagkakataon.

32. Sa paglalarawan sa inyo ng ganitong mga pagkakataong nagbubukas na ngayon sa antas ng cluster, hindi namin hinihiling sa inyo na baguhin ang anumang anyo ng inyong kasalukuyang tinatahak na landas. Ni hindi rin dapat akalain na ang gayong mga pagkakataon ay kumakatawan sa isang mapagpipiliang larangan ng paglilingkod, na nakikipagpaligsahan sa gawain ng pagpapalawak at pagpapatatag para sa limitadong mga yaman at lakas ng pamayanan. Sa loob ng papasok na taon, ang proseso ng institute at ang paraan ng pagkilos na pinauunlad nito ay kailangang patuloy na palakasin, at ang pagtuturo ay dapat manatiling unang pinagkakaabalahan ng kaisipan ng bawa’t mananampalataya. Ang higit pang pakikilahok sa buhay ng lipunan ay hindi dapat sikaping maganap nang masyadong maaga. Ito ay natural na lilitaw habang ang mga kaibigan sa bawa’t cluster ay nagsusumikap na isagawa ang mga itinadhana ng Plano sa pamamagitan ng isang proseso ng pagkilos, pagninilay, pagsasanggunian at pag-aaral, at bunga nito ay natututo. Ang pakikilahok sa buhay ng lipunan ay yayabong habang ang kakayahan ng pamayanan na itaguyod ang sarili nitong paglaki at panatilihin ang sigla nito ay unti-unting tumataas. Ito ay makapagtatamo ng pagkaka-ugnay-ugnay sa mga pagsisikap ng pagpapalawak at pagpapatatag ng pamayanan sa antas na ginagamit nito ang mga elemento ng balangkas ng pag-iisip na namamahala sa kasalukuyang serye ng pandaigdig na mga Plano. At ito ay makatutulong sa pagsulong ng mga populasyon tungo sa pangitain ni Bahá’u’lláh ng isang masagana at mapayapang pandaigdig na kabihasnan sa gayunding antas na ginagamit ang mga elementong ito sa paglikha ng bagong mga larangan ng pagkatuto.

33. Minamahal na mga kaibigan: Gaano kadalas sinambit ng minamahal na Master ang pag-asa na ang mga puso ng mga mananampalataya ay mag-uumapaw sa pag-ibig sa isa’t-isa, na hindi nila tatanggapin ang anumang paghahati sa kanila bagkus ay ituturing ang buong sangkatauhan bilang isang pamilya. “Huwag kayong makakita ng mga di-kilala” ay ang Kanyang paalala; “sa halip ay tingnan ninyo ang lahat ng tao bilang mga kaibigan, sapagka’t ang pag-ibig at pagkakaisa ay mahirap marating kapag ang inyong paningin ay nakatuon sa pagkakaiba.” Ang lahat ng mga pag-unlad na sinuri sa nakaraang mga pahina, sa pinakamalalim na antas, ay pawang mga paghahayag lamang ng pangkalahatang pag-ibig na natatamo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Sapagka’t hindi ba ang pag-ibig sa Diyos ang tumutupok sa lahat ng mga lambong ng kalayuan ng loob at paghihiwalay at pinagbibigkis ang mga puso sa ganap na pagkakaisa? Hindi ba ang Kanyang pag-ibig ang nagtutulak sa inyo sa larangan ng paglilingkod at ginagawang makita ninyo sa bawa’t kaluluwa ang kakayahang makilala Siya at sambahin Siya? Hindi ba kayo pinakikilos ng kaalaman na ang Kanyang Kahayagan ay maligayang dumanas ng isang buhay ng paghihirap alang-alang sa Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan? Tumingin sa loob ng sarili ninyong mga hanay, sa inyong minamahal na mga kapatid sa Iran. Hindi ba binigyang- halimbawa nila ang katatagan na bunga ng pag-ibig sa Diyos at ng hangaring makapaglingkod sa Kanya? Hindi ba ang kanilang kakayahang malampasan ang pinakamalupit at pinakamapait na pag-uusig ay nagpapakilala sa kakayahan ng milyun-milyong inaaping mga tao ng daigdig upang bumangon at gumawa ng natatalagang pakikilahok sa pagtatatag ng Kaharian ng Diyos sa lupa? Nang hindi napipigilan ng naghihiwalay na mga gawain ng lipunan, magpatuloy at dalahin ang mensahe ni Bahá’u’lláh sa naghihintay na mga kaluluwa sa bawa’t magkakapitbahay sa lunsod, sa bawa’t nayon, sa lahat ng sulok ng daigdig, inaakit sila sa Kanyang pamayanan, ang pamayanan ng Pinaka-Dakilang Pangalan. Kailanman ay hindi kayo nawawala sa aming mga isipan at mga panalangin, at kami ay magpapatuloy na sumamo sa Makapangyarihan sa Lahat na palakasin kayo sa pamamagitan ng Kanyang kamangha-manghang biyaya.

 

Windows / Mac