The Universal House of Justice
Ridván 2013
To the Bahá’ís of the World
Dearly loved Friends,
“Ang Aklat ng Diyos ay maluwang na nakabukas, at tinatawagan ng Kanyang Salita ang sangkatauhan tungo sa Kanya.” Sa gayong nakapagpapagalak na mga salita ay inilalarawan ng Kataas-taasang Panulat ang pagsapit ng araw ng pag-iisa at pagtitipon. Ipinagpatuloy ni Bahá’u’lláh: “Ibaling ang inyong mga tainga, O mga kaibigan ng Diyos, tungo sa tinig Niya Na pinagkasalahan ng daigdig, at mangapit nang mahigpit sa anumang magpapadakila sa Kanyang Kapakanan.” Ipinapayo pa Niya sa mga sumusunod sa Kanya na: “Nang may sukdulang pakikipag-kaibigan at sa espiritu ng sukdulang mabuting samahan ay sama-sama kayong magsanggunian, at italaga ang mahahalagang araw ng inyong mga buhay para sa ikabubuti ng daigdig at sa pagtataguyod ng Kapakanan Niya Na Napakatanda at Makapangyarihang Panginoon ng lahat.”
2. Minamahal na mga kapwa-manggagawa: Ang makaantig-damdaming pahayag na ito ay kusang lumilitaw sa isipan kapag aming nakikita ang inyong nakatalagang mga pagsisikap sa buong daigdig sa pagtugon sa panawagan ni Bahá’u’lláh. Ang kahanga-hangang pagtugon sa Kanyang panawagan ay masasaksihan sa lahat ng dako. Sa mga humihinto nang sandali upang nilay-nilayin ang pamumukadkad ng Banal na Plano, nagiging imposible na hindi mapansin kung paanong ang kapangyarihan na taglay ng Salita ng Diyos ay nangingibabaw sa mga puso ng mga babae at mga lalake, ng mg bata at mga kabataan, sa sunod-sunod na mga bansa, sa sunod-sunod na mga cluster.
3. Ang isang pandaigdig na pamayanan ay pinabubuti ang kakayahan nito na basahin ang kagyat na katotohanan nito, sa pagsusuri ng mga maaaring magawa nito, at sa wastong paglalapat ng mga pamamaraan ng Five Year Plan. Tulad ng inaasahan, ang karanasan ay napakabilis na natitipon sa mga cluster kung saan ang mga hangganan ng pagkatuto ay may kamalayang isinusulong. Sa gayong mga lugar, ang mga pamamaraan upang magawa ng isang patuloy na lumalaking bilang ng mga indibiduwal na palakasin ang kanilang kakayahan sa paglilingkod ay mahusay na nauunawaan. Ang isang masiglang training institute ay kumikilos bilang pangunahing sandigan ng mga pagsisikap ng pamayanan upang isulong ang Plano, at sa pinakamaagang panahon hangga’t maaari, ang mga kasanayan at mga kakayahan na pinaunlad sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga kurso ng institute ay pinalalabas sa larangan ng paggawa. Ang ilan, sa pamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na pakikihalu-bilo sa ibang tao, ay nakatatagpo ng mga kaluluwa na bukas ang isipan sa pagsasaliksik sa espirituwal na mga bagay na isinasagawa sa iba’t-ibang mga kalagayan; ang ilan ay nasa isang kalagayang tumugon sa pagiging handang tumanggap ng isang baryo o neighborhood, maaaring sa pamamagitan ng paglipat sa lugar na iyon. Ang lumalaking mga bilang ay nagsisibangon upang isabalikat ang tungkulin, pinalalaki ang mga hanay noong mga naglilingkod bilang mga tutor, mga animator, at mga guro ng mga bata; ng mga nangangasiwa at nagko-coordinate; o sa ibang mga paraan ay gumagawa upang itaguyod ang gawain. Ang pagtitika ng mga kaibigan matuto ay naipapahayag sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa sarili nilang mga pagsisikap at ang pagiging handa na samahan ang iba sa kanilang mga gawain. Bukod dito, nagagawa nilang panatilihin sa harap ng kanilang mga mata ang dalawang nagpupunuang pananaw sa paraan ng pagkilos na umuunlad sa cluster: ang isa ay ang tatlong-buwang mga cycle ng gawain — ang ritmo ng pintig ng programa ng paglaki — at ang isa pa, ay ang maliwanag na mga yugto ng isang proseso ng edukasyon para sa mga bata, para sa mga junior youth, at para sa mga kabataan at mga nasa hustong gulang. Samantalatang malinaw na nauunawaan ang ugnayan na nagbubuklod sa tatlong yugto na ito, batid ng mga kaibigan na ang bawat isa ay may sarili nitong mga nagtutugunang mga bahagi, may sarili nitong mga pangangailangan at may sarili nitong likas na mga kabutihan. Higit sa lahat, nababatid nila ang pagkilos ng malalakas na espirituwal na mga puwersa, na ang mga pagkilos nito ay nakikita kapwa sa mga bilang na naglalarawan sa pagsulong ng pamayanan at gayundin sa maayos na mga kuwento na nagsasalaysay sa mga tagumpay nito. Yaong lalong inaasahang mga pangako ay napakarami sa mga natatangi at mahalagang mga katangian na naglalarawan sa pinakamaunlad na mga cluster ay nakikita rin sa mga pamayanan na nasa mas maagang mga yugto ng kanilang pag-unlad.
4. Dahilan sa lumalalim ang karanasan ng mga kaibigan, ang kanilang kakayahan sa paglilinang sa loob ng cluster ng isang mayaman at masalimuot na paraan ng pamumuhay, na sumasaklaw sa daan-daan o kahit sa libo-libong mga tao, ay tumaas na. Labis kaming nagagalak na mapansin ang maraming malalalim na pagkaunawa na natatamo ng mga mananampalataya mula sa kanilang mga pagsisikap. Pinahahalagahan nila, halimbawa, na ang unti-unting pamumukadkad ng Plano sa antas ng cluster ay isang masiglang proseso, na kinakailangang maging lalong mahirap at hindi maaaring madaling gawaing payak. Nakikita nila kung paano ito sumusulong habang pinalalakas nila ang kanilang kakayahan kapwa upang magkaroon ng mga yamang-tao at mapagtugma-tugma at mahusay na maisaayos ang mga kilos noong mga nagsisibangon. Nababatid ng mga kaibigan na habang ang mga kasanayang ito ay pinagyayaman, nagiging posible na pagsama-samahin ang higit na malawak na hanay ng mga pagkukusa. Gayundin ay nababatid nila na kapag may bagong gawain na ipinakikilala ito ay nangangailangan ng natatanging pansin sa loob ng ilang panahon, subalit hindi nito binabawasan sa anumang paraan ang kahalagahan ng iba pang mga aspeto ng kanilang mga pagsisikap sa pagtatatag ng pamayanan. Sapagka’t nauunawaan nila na kung ang pagsisikap matuto ay ang kanilang gawi ng pagkilos, kailangan nilang maging maliksi sa natatagong kakayahan na inihahain ng anumang kaparaanan ng Plano na napatutunayang lalong angkop sa isang tanging yugto ng panahon, at kapag kinakailangan, ay magbuhos ng higit na sigasig sa pag-unlad nito; subalit hindi ito nangangahulugan na ang bawat tao ay dapat maging abala sa parehong aspeto ng Plano. Natutunan na rin ng mga kaibigan na hindi kinakailangan na ang pangunahing tinututukan ng pansin sa yugto ng pagpapalawak (o expansion phase) ng bawat cycle ng isang program of growth ay laging nakatuon sa parehong layunin. Maaaring hingiin ng mga kalagayan na sa isang tanging cycle, halimbawa, na ang pagbibigay-pansin ay unang idako sa pag-anyaya sa mga kaluluwa na tanggapin ang Pananampalataya sa pamamagitan ng matinding mga pagsisikap sa pagtuturo, na isinasagawa ng indibiduwal o nang sama-sama; sa isa pang cycle, maaaring ang pagbibigay-pansin ay itutok sa pagpaparami ng isang tanging core activity.
5. Higit pa rito, batid ng mga kaibigan na ang gawain ng Kapakanan ay sumusulong sa magkakaibang tulin sa magkakaibang lugar at sa magandang dahilan — ito, mangyari pa, ay isang may buhay na di pangkaraniwang bagay — at sila ay umaani ng kaligayahan at lakas-loob mula sa bawat pagkakataon ng pagsulong na kanilang nakikita. Sa katunayan, nakikilala nila ang kapakinabangan na naiipon mula sa tulong ng bawat indibiduwal para sa pagsulong ng kabuuan, at sa gayon ang paglilingkod na inialay ng bawat isa, sang-ayon sa mga pagkakataong nililikha ng mga kalagayan ng buhay ng tao, ay malugod na tinatanggap ng lahat. Ang mga pagtitipon upang magnilay-nilay ay higit na nakikita bilang mga pagkakataon kung saan ang mga pagsisikap ng pamayanan, sa kabuuan nito, ay nagiging paksa ng taimtim at nagpapataas na talakayan. Natututunan ng mga kalahok kung ano ang nagawa na sa kabuuan nito, nauunawaan ang kanilang sariling mga pagsisikap kaugnay nito, at pinalalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa proseso ng paglaki sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga payo ng mga institusyon at nagaganyak ng karanasan ng kanilang mga kapwa-mananampalataya. Ang gayong karanasan ay ibinabahagi rin sa napakaraming iba pang mga pagkakataon para sa pagsasanggunian na lumilitaw sa pagitan ng mga kaibigan na lubhang abalang-abala sa natatanging mga pagsisikap, maging sa pagtatalunton nila sa isang paraan ng pagkilos o sa paglilingkod sa isang tanging bahagi ng cluster. Ang lahat ng malalalim na pagkaunawa na ito ay matatagpuan sa higit na malawak na pagpapahalaga na ang pagsulong ay lalong madaling matamo sa isang kapaligiran na puspos ng pagmamahal — isang kapaligiran kung saan ang mga pagkukulang ay piinlalampas nang buong pagtitimpi, ang mga balakid na nalalampasan nang nagpapasensiya, at ang subok nang mga paraan ay masiglang yinayakap. At sa gayon, sa pamamagitan ng madunong na pamamatnubay ng mga institusyon at mga sangay ng Pananampalataya na kumikilos sa bawat antas, ang mga pagsisikap ng mga kaibigan, gaanuman kaliit mula sa bawat indibiduwal, ay nabubuo sa isang sama-samang pagsisikap upang matiyak na ang pagiging handang tumugon sa panawagan ng Pinagpalang Kagandahan ay mabilis na nakikilala at mabisang naaaruga. Ang cluster sa ganitong kalagayan ay malinaw na yaong ang mga ugnayan sa pagitan ng indibiduwal, ng mga institusyon, at ng pamayanan—ang tatlong kalahok ng Plano—ay mahusay na umuunlad.
6. Mula sa tanawin na ito ng malakas na pagkilos, ang isang bahagi ay nararapat bigyan ng tanging pagbanggit. Sa mensahe na isinulat para sa inyo tatlong taon na ang nakararaan, ipinahayag namin ang pag-asa na, sa mga cluster kung saan mayroon nang intensive program of growth, ay sisikapin ng mga kaibigan na matuto nang higit pa tungkol sa mga paraan ng pagtatatag ng pamayanan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga sentro ng matinding pagkilos sa mga neighborhood at mga baryo. Ang aming mga inaasahan ay nahigitan pa, sapagka’t kahit na sa mga cluster kung saan ang programa ng paglaki ay hindi pa umaabot sa matinding antas, ang mga pagsisikap ng ilang mga tao upang magsimula ng mga core activity sa mga naninirahan sa maliliit na lugar ay muli’t-muling ipinakikita ang pagiging mabisa nito. Sa pinakadiwa nito, tinutumbok ng ganitong paraan ang pagtugon sa mga turo ni Bahá’u’lláh sa bahagi ng mga populasyon na handa na para sa espirituwal na pagbabago na nililinang ng Kanyang Rebelasyon. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa proseso ng edukasyon na itinataguyod ng training institute, sila ay nagkakaroon ng pagnanasang talikuran ang katamaran at kalamigan ng loob na ikinikintal ng mga puwersa ng lipunan, at sa halip ay isinasagawa ang mga paraan ng pagkilos na napapatunayang nakapagpapabago ng buhay. Kung saan ang ganitong paraan ay sumulong na sa loob ng ilang mga taon sa isang neighborhood o baryo at nagawa ng mga kaibigang panatilihing nakatutok ang kanilang pansin, ang kahanga-hangang mga bunga ay unti-unti, subalit di-mapagkakamalian, na lumilitaw na. Ang mga kabataan ay nagtatamo ng lakas upang isabalikat ang tungkulin para sa pag-unlad ng mga nasa palibot nila na mas bata sa kanila. Malugod na tinatanggap ng nakatatandang mga salinlahi ang ibinabahagi ng mga kabataan sa makabuluhang mga talakayan tungkol sa mga gawain ng buong pamayanan. Para sa kapwa bata at matanda, ang disiplina na nililinang sa pamamagitan ng proseso ng edukasyon ng pamayanan ay lumilikha ng kakayahan para sa pagsasanggunian, at ang bagong mga pagkakataon ay lumilitaw para sa usapang may layunin. Subalit ang pagbabago ay hindi natatakdaan para sa mga Bahá’í lamang at sa mga nakikilahok sa mga core activity na hinihingi ng Plano, na makatuwiran lamang na asahang magkakaroon ng panibagong paraan ng pag-iisip sa paglipas ng panahon. Ang mismong espiritu ng lugar ay apektado rin. Ang isang madasalin na saloobin ay nahuhubog sa loob ng malawak na bahagi ng populasyon. Ang mga paghahayag ng pagiging pantay ng lalake at babae ay nagiging higit na malinaw. Ang edukasyon ng mga bata, ng kapwa lalake at babae, ay binibigyan ng higit na pansin. Ang katangian ng mga ugnayan sa pagitan ng mga pamilya — na hinubog ng mga sapantaha na daang-taon na ang kalumaan — ay nagkakaroon ng nakikitang pagbabago. Ang isang damdamin ng pananagutan sa sariling pinakamalapit na pamayanan at sa pisikal na kapaligiran ay nagiging laganap. Kahit ang pahirap ng mali at walang-batayang paniniwala, na nililiman ng masamang na anino nito ang bawat lipunan, ay nagsisimulang mapawi ng nananaig na lakas ng pagkakaisa. Sa madaling salita, ang gawain ng pagtatatag ng lipunan na pinagkaka-abalahan ng mga kaibigan ay nagkakabisa sa mga aspeto ng kultura.
7. Samantalang ang pagpapalawak at pagpapatatag ay patuloy na sumulong sa loob ng nakaraang taon, ang iba pang mahalagang mga larangan ng gawain ay sumulong rin, na kadalasan ay malapit na magkahanay. Bilang isang pangunahing halimbawa, ang mga pagsulong sa larangan ng kultura na nasasaksihan na sa ilang mga baryo at mga neighborhood ay bunga, sa hindi maliit na antas, mula sa mga natututunan ng Bahá’í na pakikilahok sa social action. Ang aming Office of Social and Economic Development kamakailan ay naghanda ng isang dokumento na pina-ikli ang tatlumpung taong karanasan na natipon sa larangan na ito mula nang ang Office na iyon ay naitatag sa Bahá’í World Centre. Kabilang sa mga puna na ibinabahagi nito ay yaong ang mga pagsisikap na gumawa ng social action ay binigyan ng napakahalagang lakas ng training institute. Ito ay hindi lamang dahilan sa pagtaas ng mga yamang-tao na pinagyayaman nito. Ang malalalim na espirituwal na pagkaunawa, mga katangian, at mga kakayahan na nililinang ng proseso ng institute ay napatunayang kasing halaga ng pakikilahok sa social action na tumutulong gayundin sa proseso ng paglaki. Higit pa rito, ipinaliwanag kung paanong ang magkakaibang mga larangan ng pagsisikap ng pamayanang Bahá’í ay pinamamahalaan ng isang para sa lahat at patuloy na umuunlad na pagkaunawa sa balangkas na binubuo ng nagtutulungang mga elemento, bagaman ang mga ito ay nagkakaroon ng iba’t-ibang mga paghahayag sa magkakaibang mga larangan ng pagkilos. Ang dokumento na aming inilarawan ay ibinahagi kamakailan sa mga National Spiritual Assembly, at inaanyayahan namin sila, nang nakikipagsanggunian sa mga Counsellor, na pag-aralan kung paanong ang mga konseptong sinasaliksik nito ay makatutulong upang pahusayin pa ang umiiral na mga pagsisikap sa social action na isinasagawa sa ilalim ng kanilang tangkilik at maitaas ang kamalayan sa mahalagang bahagi na ito ng Bahá’í na pagsisikap. Ito ay hindi dapat bigyan-kahulugan na isang pangkalahatang panawagan para sa malawakang pagkilos sa larangan na ito — ang paglitaw ng social action ay natural na nagaganap, habang ang isang lumalaking pamayanan ay nagtitipon ng lakas — subalit napapanahon na para sa mga kaibigan ang nilay-nilayin nang higit na malalim ang mga kahalagahan ng kanilang mga pagsisikap para sa pagbabago ng lipunan. Ang bugso ng pagkatuto na nagaganap sa larangang ito ay nagpapataw ng higit na malaking mga hinihingi mula sa Office of Social and Economic Development, at isinasagawa na ang mga hakbang upang matiyak na ang pagkilos nito ay umunlad nang kasukat nito.
8. Ang isang lalong kapansin-pansing katangian ng nakaraang labindalawang buwan ay ang napakadalas na pagkilala sa pamayanang Bahá’í, kaugnay ng maraming magkakaibang mga pagkakataon, doon sa mga pagsisikap na isakatuparan ang pagpapabuti ng lipunan sa pakikipagtulungan ng mga tao na may katulad kaisipan. Mula sa pandaigdig na larangan hanggang sa pang-masang pamumuhay ng baryo, ang mga nangunguna sa kaisipan sa lahat ng uri ng kalagayan ay nagpapahayag ng kanilang kamalayan na ang mga Bahá’í ay hindi lamang taos-pusong nagmamalasakit sa kalagayan ng sangkatauhan, subalit taglay rin nila ang isang malinaw na pagkaunawa sa kung ano ang kailangang isagawa at ang mabisang paraan upang matamo ang kanilang mga hangarin. Ang mga pahayag na ito ng pagpapahalaga at pagtangkilik ay nanggaling rin sa mga dati ay hindi inaasahang mga panig. Halimbawa, kahit sa Sinilangan ng Pananampalataya, sa kabila ng nakasisindak na mga balakid na inilalagay ng maniniil sa kanilang landas, ang mga Bahá’í ay higit na nakikilala dahil sa napakalalim na mga kahulugan ng kanilang mensahe para sa kalagayan ng kanilang bansa at iginagalang dahil sa kanilang hindi mababagong pagtitika na makatulong sa pag-unlad ng kanilang inang-bayan.
9. Ang pagdurusa na dinaranas ng matatapat sa Iran, lalo na sa mga dekada mula nang magsimula ang pinakabagong daluyong ng mga pag-uusig, ay nagbunsod sa kanilang mga kapatid sa ibang mga bansa na ipagtanggol sila. Mula sa walang kasing-halagang mga kaloob na natamo ng pandaigdigang pamayanang Bahá’í bunga ng katatagan na iyon, babanggitin namin ang isa kaugnay nito: ang isang kahanga-hangang kapisanan ng mga espesyalistang mga tanggapan sa pambansang antas na pinatunayan na may kakayahan sila sa masistemang pagpapa-unlad ng mga ugnayan sa mga pamahalaan at mga organisasyon ng sibil na lipunan. Kaalinsabay nito, ang mga proseso ng sunod-sunod na Plano ay pinahusay ang kakayahan ng pamayanan upang makilahok sa umiiral na mga talakayan sa anumang pagkakataon ito nagaganap—mula sa personal na mga usapan hanggang sa mga international forum. Sa antas ng masa, ang pakikilahok sa ganitong uri ng pagsisikap ay natural na nabubuo, sa pamamagitan ng gayunding may-buhay na paraan na nagtatangi sa patuloy na paglaki ng pakikilahok ng mga kaibigan sa social action, at walang namumukod-tanging pagsisikap na pasiglahin ito ang kinakailangan. Sa pambansang antas, gayumpaman, ito ay higit na madalas na nagiging tampulan ng pansin nitong nakatalagang mga tanggapan na kumikilos na sa dose-dosenang pambansang mga pamayanan, at ito ay nagpapatuloy sang-ayon sa kilala na at mabungang paraan ng pagkilos, pagninilay-nilay, pagsasanggunian, at pag-aaral. Upang pahusayin pa ang gayong mga pagsisikap, upang mapadali ang pagkatuto sa larangang ito, at upang matiyak na isinasagawa ang mga hakbang na tumutugma sa ibang mga pagsisikap ng pamayanang Bahá’í, kamakailan ay itinatag namin sa Bahá’í World Centre ang Office of Public Discourse. Tatawagan namin ito na tumulong sa mga National Spiritual Assembly sa larangang ito sa pamamagitan ng unti-unting pagtataguyod at pagtutugma-tugma ng mga gawain at ng pagsasa-ayos ng karanasan sa masistemang paraan.
10. Ang nakapagpapalakas ng loob na pagsulong ay nagaganap rin sa ibang mga larangan. Sa Santiago, Chile, kung saan ang Mother Temple ng South America ay itinatayo, ang gawain ng pagtatayo nito ay mabilis na sumusulong. Ang pagtatayo ng konkretong mga pundasyon, basement, at service tunnel ay tapos na, at gayundin ang mga haligi na papatungan ng bobida. Ang pananabik kaugnay ng proyektong ito ay lumalaki, at ang katulad na damdamin ng pag-asam ay nagigising na sa pitong bansa kung saan ang pambansa o lokal na mga Mashriqu’l-Adhkár ay itatayo. Sa bawat isa, ang mga paghahanda ay nagsimula na, at ang mga ambag na ibinibigay ng mga mananampalataya sa Temples Fund ay nagsisimula nang gamitin; gayumpaman, ang praktikal na mga isinasa-alang-alang, tulad ng lugar na pagtatayuan, ang disenyo, at ang mga yaman, ay bumubuo sa isang bahagi lamang ng gawaing isinasagawa ng mga kaibigan. Ang pangunahin, sa kanila ay isang espirituwal na gawain, kung saan ang buong pamayanan ay nakikilahok. Tinukoy ng Master ang Mashriqu’l-Adhkár bilang “ang batubalani ng banal na mga pagpapatibay”, “ang matibay na saligan ng Panginoon”, at “ang matatag na haligi ng Pananampalataya ng Diyos”. Saanman ito maitatag, natural na ito ay magiging isang pangunahing bahagi ng proseso ng pagtatatag ng pamayanan na nasa palibot nito. Ngayon pa lamang, sa mga lugar na iyon kung saan ang isang House of Worship ay lilitaw, ang kamalayan sa kaganapan na ito ay lumalalim na sa karaniwang mga mananampalataya, na nakikilala na sa kanilang sama-samang pamumuhay ay kailangang higit at higit pang inilalarawan yaong pagbubuklod ng pagsamba at paglingkod na kinakatawan ng Mashriqu’l-Adhkár.
11. Sa bawat larangan, kung gayon, ay nakikita namin ang pamayanang Bahá’í na patuloy na sumusulong, lumalalim ang pang-unawa, sabik na matamo ang malalalim na pagkaunawa mula sa karanasan, handang isagawa ang bagong mga gawain kapag may mga yaman na nagbibigay-daan upang maisagawa ito, maliksi sa pagtugon sa bagong mga pangangailangan, batid ang pangangailangang panatilihin ang pagkakatugma-tugma sa pagitan ng magkakaibang mga larangan ng gawain na pinagkakaabalahan nito, ganap na nakatalaga sa pagsasakatuparan ng misyon nito. Ang kasiglahan at pagtatalaga nito ay malinaw na nakikita sa napakatinding alab na nilikha ng pagpapahayag mga dalawang buwan na ang nakaraan na idaraos ang 95 youth conference sa buong daigdig. Naliligayahan kami hindi lamang sa pagtugon ng mga kabataan mismo kundi ay gayundin ng mga paghayag ng pagtangkilik na inusal ng kanilang mga kapwa mananampalataya, na pinahahalagahan kung paano ang nakababatang mga sumusunod kay Bahá’u’lláh ay ginagampanan ang isang napakahalagang pampasigla sa buong lupon ng Kapakanan.
12. Kami ay napupuspos ng pag-asa dahil sa sunod-sunod na mga katibayan na aming nakikita sa paglaganap ng mensahe ni Bahá’u’lláh, sa saklaw ng impluwensiya nito, at sa lumalaking kamalayan sa mga huwaran na idinadambana nito. Sa panahong ito ng mga kaarawan, ginugunita naming yaong “Araw ng sukdulang kaligayahan”, na nahihiwalay sa Ridván na ito ng isa’t-kalahating siglo, kung kailan unang ipinahayag ng Kagandahan ng Abhá ang Kanyang Misyon sa Kanyang mga kasamahan sa Hardin ng Najíbíyyih. Mula sa banal na pook na iyon, ang Salita ng Diyos ay lumaganap patungo sa bawat lunsod at bawat dalampasigan, tinatawagan ang sangkatauhan tungo sa pagkikipagtagpo sa Panginoon nito. At mula sa panimulang pangkat ng mga mangingibig na lango sa Diyos, ang isang magkakaibang pamayanan na may layunin ay namulaklak, ng magkakaibang mga bulaklak sa hardin na Kanyang inalagaan. Sa paglipas ng bawat araw, ang lumalaking bilang ng bagong-gising na mga kaluluwa ay bumabaling sa pagsamo tungo sa Kanyang Dambana, ang pook na kung saan tayo, sa pagpaparangal sa pinagpalang Araw na iyon at sa pagpapasalamat sa bawat biyaya na ipinagkaloob sa pamayanan ng Pinakadakilang Pangalan, ay iniyuyuko ang ating mga ulo sa pagdarasal sa Banal na Pintuan.
- The Universal House of Justice