Return   Facebook

The Universal House of Justice

Ridván 2014

To the Bahá’ís of the World

Dearly loved Friends,

Tatlong taong singkad ang nakalipas mula nang simulaan ang kasalukuyang yugto sa pamumukad kad ng Banal na Plano, isang gawaing nagbibigkis sa mga sumu sunod kay Bahá'u'lláh sa isang nagkakaisang espirituwal na pagsisikap. Dalawang taon na lamang ang naghi hiwalay sa mga kaibigan ng Diyos mula sa nakatakdang pagwawakas nito.Ang dalawang pangunahing pagkilos na patuloy na nagbubunsod sa proseso ng paglaki—ang patuloy na pagdaloy ng mga kalahok sa serye ng mga kurso ng training institute at ang pagsulong ng mga cluster sa isang nagpapatuloy na pag-unlad—ang dalawa ay kapwa matinding pinalakas ng pagbuhos ng lakas na pinakawalan sa mga youth conference na idinaos nang nakaraang taon.Ang lumaking kakayahan na natamo ng sandaigdigang Bahá'í sa pagpapakilos ng malalaking bilang ng mga kabataan sa larangan ng paglilingkod ay maaari na ngayong magbigay ng higit pang mga bunga. Sapagka't sa nalalabing panahon, ang napakahalagang mga gawain ng pagpapalakas sa umiiral na mga programa ng paglaki at ang pagsisimula ng mga panibago ay mahigpit na kinakailangan.Ang pamayanan ng Pinakadakilang Pangalan ay nasa isang mahusay na kalagayan, bago matapos ang panahong ito, na madagdagan ang mga cluster kung saan ang gayong mga programa ay lumitaw na ang natiti rang dalawang libo mula sa layunin.

2. Labis naming ikinatutuwang makita na ang ganitong pagsisikap ay masiglang isinusulong sa lahat ng malalayong dako ng daigdig, at sa magkakaibang mga kalagayan at tagpo, sa mga cluster na mabibilang na sa tatlong libo.Maraming cluster ang nasa yugto na kung saan ang buwelo ay pinabibilis sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang simpleng mga pangkat ng pagkilos (o lines of action).Sa iba pa, pagkaraan ng sunod-sunod na mga cycle ng gawain, ang bilang ng mga indibidwal na nagkukusa sa loob ng balangkas ng pagkilos ng Plano ay dumami na at ang antas ng pagkilos ay lalong tumindi; habang ang kalidad ng proseso ng espirituwal na edukasyon ay humuhusay bunga ng karanasan, ang mga kaluluwa ay lalong madaling nahihikayat na makilahok dito.Sa pana-panahon, maaaring huminto nang sandali ang mga gawain o magkaroon ng balakid sa pagsulong; ang masusing talakayan sa mga dahilan ng paghinto, kasama ang pasensiya, lakas ng loob at tiyaga, ay nagbibigay ng daan upang muling matamo ang buwelo.Sa higit at higit pang mga cluster, ang programa ng paglaki ay lumalaki ang saklaw at pagiging masalimuot, na katumbas ng tumataas na kakayahan ng tatlong kalahok ng Plano—ang indibiduwal, ang pamayanan, at ang mga institusyon ng Pananampalataya—upang makalikha ng isang kapaligiran na tumatangkilik sa lahat.At kami ay lubos na nagagalak na, tulad ng inaasahan, mayroon nang lumalaking bilang ng mga cluster kung saan ang isang daan o mahigit pang mga indibiduwalay inaasikaso ang pakikilahok ng isang libo o mahigit pa sa paghahabi ng isang paraan ng pamumuhay na espirituwal, masigla, at nakapagbabago. Ang kinasasalalayan ng proseso kahit sa mismong simula, mangyari pa, ay isang sama-samang kilusan tungo sa nakini-kinitang materyalat espirituwal na kasaganaan na inilahad Niya Na Nagbibigay-Buhay sa Daigdig.Subali't kapag ang gayong malalaking bilang ay naisasama, ang pagkilos ng isang buong populasyon ay nahahalata na.

3. Ang pagkilos na ito ay lalong nakikita doon sa mga cluster kung saan ang isang lokal na Mashriqu'l-Adhkár ay itatayo.Ang isang halimbawa nito ay sa Vanuatu. Ang mga kaibigang naninirahan sa isla ng Tanna ay gumawa ng sukdulang pagsisikap upang itaas ang kamalayan tungkol sa binabalak na House of Worship, at naisali na ang hindi bababa sa ikatlong bahagi ng 30,000 naninirahan sa isla sa isang lumalawak na pag-uusap tungkol sa kahalagahan nito sa iba't-ibang mga paraan.Ang kakayahang panatilihin ang isang mataas na uri ng pag-uusap sa napakaraming mga tao ay napahusay sa pamamagitan ng mga taon ng karanasan sa pagbabahagi ng mga turo ni Bahá'u'lláh at sa pagpapalawak ng saklaw ng isang masiglang training institute.Ang mga junior youth group sa isla ay tanging masigla, hinihimok ng pagtataguyod ng mga pinuno ng mga baryo na nakikita kung paanong nagkakaroon ng espirituwal na lakas ang mga kalahok nito.Pinalakas ng pagkakaisa at pagtatalaga na umiiral sa kanila, itong mga kabataan ay nagawang hindi lamang pawiin ang katamaran ng pagwawalang-kibo sa kanilang mga sarili kundi, sa pamamagitan ng iba't-ibang praktikal na mga proyekto, ay nakahanap ng paraan upang gumawa para sa ikabubuti ng kanilang pamayanan, at bunga nito, mula sa lahat ng mga edad, at kabilang rin ang kanilang mga magulang, ay napasigla upang gumawa ng nakabubuting pagkilos.Mula sa mga mananampalataya at sa higit na malawak na lipunan, ang biyaya ng pagkakaroon ng pagkakataong bumaling sa isang Local Spiritual Assembly para sa patnubay at para sa paglulutas ng mahihirap na suliranin ay nakikilala na, at bunga nito, ang mga pasiya ng mga Spiritual Assembly ay higit na natatangi sa kadunungan at malasakit.Marami ang nagpapahiwatig mula dito na, kapag ang mga elemento ng balangkas ng pagkilos ng Plano ay pinagsasama-sama upang maging iisang makabuluhang kabuuan, ang bisa nito sa populasyon ay maaaring maging napakalaki.At sa ganitong tagpo ng nagpapatuloy na pagpapalawak at pagpapatatag—ang ika-tatlumpung cycle ng intensive program of growth kamakailan ay kawawakas pa lamang—na masigasig na sinasaliksik ng mga kaibigan, kasama ang iba pang mga naninirahan sa isla, kung ano ba ang kahulugan ng pagkakaroon ng isang Mashriqu'l-Adhkar, isang “sama-samang sentro para sa mga kaluluwa ng mga tao,” na itatayo sa lugar nila.Sa masiglang pagtangkilik ng kinaugaliang mga pinuno, ang mga taga-isla ng Tanna ay nagbigay ng hindi kukulangin sa isang daang mga ideya para sa disenyo ng Templo, na nagpapakilala kung gaano nabihag ng House of Worship ang mga imahinasyon, at nagbubukas ng nakabibighaning mga maaaring mangyari para sa impluwensiya na maidudulot nito sa mga buhay ng mga nananahan sa lilim nito.

4. Itong nakapagpapalakas-loob na kuwento ay may katapat na napakaraming mga maunlad na cluster, kung saan ang mga ipinahihiwatig ng mga turo ni Bahá'u'lláh ay inilalapat sa mga kalagayan ng buhay sa mga magka-kapitbahay at mga baryo.Sa bawa't isa, ang tao, na higit na nalalaman ang tungkol sa Katauhan ni Bahá'u'lláh, ay natututo, sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa karanasan, pagsasanggunian, at pag-aaral, kung paano isagawa ang mga katotohanang nadadambana sa Kanyang Rebelasyon, sa gayong paraan na ang patuloy na lumalawak na grupo ng espirituwal na mga kaanak ay higit at higit pang napapalapit sa isa't-isa sa pamamagitan ng mga bigkis ng sama-samang pagsamba at paglilingkod.

5. Sa maraming mga paraan, ang mga pamayanan na pinakamalayo ang isinulong ay gumuguhit ng isang nakahahalinang landas na maaaring sundan ng mga iba.Subali't maging anupaman ang antas ng pagkilos sa isang cluster, ang kakayahan ng lokal na mga kaibigan upang matuto, sa loob ng iisang balangkas, ang nagpapayabong ng pagsulong sa landas ng pag-unlad.Ang lahat ay may bahagi sa gawaing ito; ang naitutulong ng bawa't isa ay nagpapayaman sa kabuuan.Ang pinakamasiglang mga cluster ay yaong kung saan, maging anupaman ang mga yaman ng pamayanan o ang bilang ng mga gawaing isinasagawa, ay nauunawaan ng mga kaibigan na ang kanilang gawain ay ang kilalanin kung ano ang kinakailangan upang magkaroon ng pag-unlad—ang panimulang kakayahan na kailangang arugahin, ang bagong kasanayan na kailangang matamo, ang mga nagsisimula ng isang bagong pagsisikap na kailangang masamahan, ang puwang para sa pagninilay-nilay na kailangang linangin, ang sama-samang pagsisikap na kailangang pagtugma-tugmain—at sa wakas ay humanap ng mapanglikhang mga paraan upang ang kinakailangang panahon at mga yaman ay mailaan upang matamo ito.Ang mismong katotohanan na ang bawa't pangkat ng mga kalagayan ay ihinaharap ang sarili nitong mga hamon ay nagbibigay-daan upang ang bawa't pamayanan ay hindi lamang makinabang mula sa natututunan sa ibang bahagi ng sandaigdigang Bahá'í kundi ay makadagdag rin sa kabuuan ng kaalaman na iyon.Ang kamalayan ganap na katotohanag ito ay nagpapalaya sa isang tao mula sa walang-kabuluhang paghahanap sa isang mahigpit na ipinatutupad na pormula ng pagkilos samantalang tinutulutan pa ring matamo ang malalalim na pang-unawa hango sa magkakaibang mga tagpo upang magabayan ang proseso ng paglaki habang ito ay nagkakaroon ng tanging hugis sa sarili nitong kapaligiran.Ang buong paraan na ito ay ganap na naiiba sa makitid na konsepto ng “tagumpay” at “kabiguan” na nagbubunga ng labis na malikot na pagkilos o nakalulumpo ng pagkukusa.Kinakailangan ang pagkawalay.Kapag ang pagsisikap ay isinasagawa nang tanging alang-alang sa Diyos lamang, sa gayon ang lahat ng nagaganap ay Kanyang pag-aari at ang bawa't tagumpay na natatamo sa Ngalan Niya ay isang pagkakataong ipagbunyi ang Kanyang kapurihan.

6. Napakarami sa mga Kasulatan ng ating Pananampalataya ang naglalarawan sa ugnayan sa pagitan ng pagsisikap na isinasagawa at sa makalangit na tulong na ipinagkakaloob bilang tugon.:“Kung kayo lamang ay gumawa ng pagsisikap,” ang pagniniyak ng Master sa isa sa Kanyang mga Tableta, “tiyak na ang mga karingalan na ito ay sisikat, itong mga ulap ng habag ay magbubuhos ng kanilang ulan, itong nagbibigay-buhay na mga hangin ay lalakas at hihihip, itong matamis na halimuyak ng pabango ay kakalat nang malayo at malawak.”Sa aming madalas na mga pagdalaw sa mga Banal na Dambana, taimtim naming isinasamo sa Makapangyarihan sa Lahat, sa ngalan ninyo, na tustusan at palakasin Niya kayo, na ang inyong mga pagsisikap ay maabot yaong mga hindi pa nakaaalam sa mga banal na turo at pagtibayin sila sa Kanyang Kapakanan ay masaganang pagpalain, at na ang inyong pag-asa sa Kanyang walang-hangging biyaya ay hindi matinag. Kailanman ay hindi kayo nawawala sa aming mga dalangin, at kailanman ay hindi namin lilimutin sa aming mga panalangin ang inyong paghahandog sa Diyos ng mga gawa ng katapatan.Habang nagninilay-nilay tayo sa mga pangangailangan na haharapin ng mga sumusunod sa Pinagpalang Kagandahan sa susunod na dalawang taon, ang mariin na panawagan ng Master tungo sa pagkilos ay isang pantulak sa espiritu:“Punitin ang mga lambong, alisin ang mga balakid, ihandog ang nagbibigay-buhay na mga tubig, at ituro ang landas tungo sa kaligtasan.”

 

Windows / Mac