Return   Facebook

The Universal House of Justice

Ridván 2020

To the Bahá’ís of the World

Dearly loved Friends,

Dalawang lumilitaw na realidad ang nag-udyok sa aming sabihin sa inyo ang mga salitang ito. Ang unang realidad ay ang lumalaking kamalayan sa buong daigdig tungkol sa napipinto at kalunos-lunos na mga panganib na taglay ng paglaganap ng coronavirus. Sa maraming mga bansa, sa kabila ng magiting at pursigidong sama-samang mga pagsisikap na pigilan ang sakuna, malala na ang sitwasyon, na lumilikha ng trahedya para sa mga pamilya at mga indibidwal at inilulugmok ang buong mga lipunan sa krisis. Ang dagsa-dagsang mga pagdurusa at kapighatian ay umaalon sa sunod-sunod na mga lugar, at pahihinain nito ang iba’t ibang mga bansa, sa iba’t ibang mga sandali, sa iba’t ibang mga paraan.

Ang pangalawang realidad, na higit na nakikita sa bawat araw, ay ang katangiang madaling makabangon at ang di-nababawasang sigla ng sandaigdigang Bahá’í sa harap ng isang hamong walang kahalintulad sa nabubuhay na gunita. Ang inyong tugon ay naging bukod-tangi. Nang lumiham kami sa inyo isang buwan nitong nakaraan sa Naw-Ruz, sabik kaming bigyang-diin ang kahanga-hangang mga katangiang ipinakikita ng mga pamayanan kung saan nagambala ang normal na paraan ng mga gawain. Ang lahat ng naganap sa mga linggo mula noon, kung kailan marami sa mga kaibigan ay napilitang sumunod sa patuloy na humihigpit na mga pagbabawal, ay nagpalalim lamang sa aming damdamin ng paghanga. Natuto mula sa karanasang natamo sa ibang mga bahagi ng daigdig, ang ilang mga pamayanan ay nakatagpo ng ligtas at mapanlikhang mga paraan upang itaas ang kamalayan ng mga populasyon ukol sa mga pangangailangan ng kalusugan ng madla. Binibigyan ng tanging pansin ang mga nasa higit na panganib mula sa virus at sa kahirapang pang-ekonomiya na ibinubunga ng paglaganap nito; ang mga pagsisikap na itinanghal sa Bahá’í World News Service kaugnay nito ay isang dakot lamang mula sa di-mabilang na mga pagsisikap na isinasagawa. Ang mga ito ay pinupunuan ng mga pagsisikap upang suriin, itaguyod, at linangin ang mga katangiang espiritwal na iyon na lalong kinakailangan sa panahong ito. Marami sa gayong mga pagsisikap ay nangyayaring maganap lamang sa loob ng pamilya o nang mag-isa, subalit kung saan ang ipinahihintulot ng mga kalagayan o nagiging posible ito dahil sa mga kagamitan sa komunikasyon, ang isang diwa ng namumukod na pagkakaisa ay masiglang pinayayabong sa pagitan ng mga kaluluwang nakikibahagi sa magkatulad na mga kalagayan. Ang nagtutugunang mga bahagi ng pamumuhay ng pamayanan, na lubhang mahalaga para sa sama-samang pagsulong, ay hindi masusupil.

Our spirits have been lifted by seeing how capably National Spiritual Assemblies, the unflagging generals of the Army of Light, have guided their communities and shaped their response to the crisis. They have been strongly supported by the Counsellors and their auxiliaries who, as always, have heroically raised aloft the standard of loving service. While staying well informed about the often rapidly changing conditions in their countries, Assemblies have made the necessary arrangements for administering the affairs of the Cause, and in particular for conducting elections, where these remain feasible. Through regular communications, institutions and agencies have offered wise counsel, comforting reassurance, and constant encouragement. In many instances, they have also started to identify constructive themes that are emerging from the discourses opening up in their societies. The expectation we expressed in our Naw-Rúz message that this test of humanity's endurance would grant it greater insight is already being realized. Leaders, prominent thinkers, and commentators have begun to explore fundamental concepts and bold aspirations that, in recent times, have been largely absent from public discourse. At present these are but early glimmerings, yet they hold out the possibility that a moment of collective consciousness may be in view. Tumaas ang aming mga espiritu nang makita kung gaano kahusay ang mga National Spiritual Assembly, ang walang-tigil na mga heneral ng Hukbo ng Liwanag, sa pamamatnubay sa kanilang mga pamayanan at sa paghubog ng kanilang pagtugon sa krisis. Malakas silang sinusuportahan ng mga Counsellor at ng kanilang mga auxiliary na, tulad ng lagi, ay makisig na itinataas ang bandila ng nagmamahal na paglilingkod. Habang nananatiling mahusay na nakababatid sa madalas ay mabilis na nagbabagong mga kalagayan sa kanilang mga bansa, ang mga Assembly ay gumawa ng kinakailangang mga hakbang para sa pangangasiwa sa mga gawain ng Kapakanan, at lalo na para sa pagsasagawa ng mga halalan, kung saan ang mga ito ay maaaring isagawa. Sa pamamagitan ng regular na komunikasyon, ang mga institusyon at mga sangay ay nakapagbigay ng mahusay na payo, nakaaaliw na katiyakan, at patuloy na paghimok. Sa maraming mga kalagayan, nakapagsimula na rin silang tukuyin ang nakatutulong na mga temang lumilitaw mula sa mga diskursong nagsisimula sa kanilang mga lipunan. Ang pag-asang nabanggit namin sa aming mensahe ng Naw-Rúz na itong pagsubok sa pagtitiis ng sangkatauhan ay magkakaloob dito ng higit na malalim na pag-unawa ay nagsisimula nang matupad. Ang mga pinuno, mga tanyag ng palaisip, at mga nagbibigay ng komentaryo ay nagsisimula nang saliksikin ang saligang mga konsepto at matayog na mga hangarin na, sa bagong mga panahon, ay halos nawala na sa diskursong pampubliko. Sa kasalukuyan ang mga ito ay mumunting mga liwanag pa lamang, subalit taglay nito ang posibilidad na maaaring abot-tanaw na ang isang sandali ng sama-samang kamalayan.

The comfort we take at seeing the resilience of the Bahá'í world manifest itself in action is tempered by our sadness at the consequences of the pandemic for humanity. Alas, we are conscious that the believers and their associates also share in this suffering. The distance from friends and relations that, owing to the requirements of public safety, so many people in the world are now maintaining will, for some, give way to permanent separation. At each dawn it seems certain that more agonies will be endured before the set of sun. May the promise of reunion in the eternal realms offer solace to those who lose loved ones. We pray for the relief of their hearts, and for the grace of God to surround those whose education, livelihoods, homes, or even their very means of sustenance are being put at risk. For you, and for those you cherish, and for all your compatriots, we supplicate Bahá'u'lláh and beseech His blessings and favour. Ang aliw na aming nakukuha mula sa pagkakita sa katangiang madaling makabangon ng sandaigdigang Bahá’í na ipinahahayag ang sarili nito sa pagkilos ay napipigilan ng aming kalungkutan sa mga bunga ng pandemya sa sangkatauhan. Sa kasawiang-palad, batid naming ang mga mananampalataya at ang kanilang mga kasama ay bahagi rin ng pagdurusang ito. Ang paglayo mula sa mga kaibigan at mga kaanak na, bunga ng mga pangangailangan ng kaligtasan ng publiko, ay isinasagawa na ngayon ng napakaraming mga tao sa daigdig, para sa mga iba ay mauuwi ito sa permanenteng pagkahiwalay. Sa bawat bukang-liwayway waring tiyak na may karagdagang mga pahirap ang kailangang tiisin bago pa lumubog ang araw. Harinawang ang pangako ng muling pagsasama sa mga kahariang walang-maliw ay makapagbigay ng kaluwagang-loob sa mga nawalan ng mga minamahal. Ipinagdarasal namin ang kaluwagan ng kanilang mga puso, at upang pumalibot ang biyaya ng Diyos sa yaong mga nanganganib ang kanilang edukasyon, kabuhayan, tahanan, o kahit pa ang kanilang mismong panustos. Para sa inyo, at para sa inyong mga minamahal, at para sa lahat ng inyong mga kababayan, sumasamo kami kay Bahá’u’lláh at hinihingi ang Kaniyang mga biyaya at pagpapala.

However long and arduous the road that must be travelled, we are supremely confident in your fortitude and your determination to see the journey through. You draw from stores of hope, faith, and magnanimity, putting the needs of others before your own, enabling those who are deprived to be spiritually nourished, those who increasingly thirst for answers to be satisfied, and those who long to work for the betterment of the world to be offered the means. From the devoted followers of the Blessed Perfection, how could we expect less? Gaanuman kahaba at kahirap ng daang kailangang lakbayin, lubos kaming nagtitiwala sa inyong katatagan ng loob at sa inyong pagtitikang tapusin ang paglalakbay. Humuhugot kayo mula sa imbakan ng pag-asa, pananalig, at mataas na uri ng kagandahang-loob, inuuna ang mga pangangailangan ng mga iba bago ang sa inyong mga sarili, tinutulutang magkaroon ng espiritwal na sustansiya ang mga pinagkaitan, yaong mga lalo at lalo pang nauuhaw para sa mga kasagutan na masiyahan, at yaong mga sabik na gumawa para sa ikabubuti ng daigdig na mabigyan ng mga paraan. Mula sa mga debotong mga tagasunod ng Pinagpalang Kaganapan, paano kami aasa ng mas mababa pa rito?

 

Windows / Mac