Bahá'í Prayers

Filipino : Pag-Iisang Dibdib

Permanent Link

 

*“Ang pag-iisang dibdib ng Bahá’í ay ang pagbubuklod at magalang na pagmamahal sa pagitan ng dalawang panig. Gayunman, dapat silang gumamit ng sukdulang ingat at makilala ang pag-uugali ng isa’t isa. Itong di-magmamaliw na pagkaka-ugnay sa kanila ay dapat pagtibayin ng matatag na kasunduan, at ang kanilang layunin ay upang patibayin ang pagkakasundo, pagkakaibigan, pag­ kakaisa at upang matamo ang buhay na walang hanggan.” — ‘Abdu’l-Bahá

*Ang sumpa ng pag-iisang dibdid, ang pariralang magkasunod na bibigkasin ng nobya at nobyo sa harap ng dalawa man lamang saksi na tinatanggap ng Spiritual Assembly, sang-ayon sa nakasaad sa Kitáb-i-Aqdas, ay:

*“Lahat kami, sa katunayan, ay susunod sa Kalooban ng Diyos.”

Siya ang Tagapagkaloob, ang Mapagpala!

Purihin ang Diyos, ang Napakatanda, ang Laging Nananahan, ang Walang Pagbabago, ang Walang-hanggan! Siya na nagpatunay sa Kaniyang Sarili na tunay na Siya ang Iisa, ang Nag-iisa, ang Di-nasasagkaan, ang Maluwalhati. Saksi kami na tunay na walang Diyos kundi Siya; tinatanggap ang Kaniyang kaisahan, pinatutunayang ang Kaniyang pagiging iisa. Siya kailanman ay nananahan sa di-mararating na mga kataasan, sa mga tugatog ng Kaniyang katayugan, malayo sa pagbanggit ng sinuman liban sa Kaniyang Sarili, hindi mailalarawan ng sinuman liban sa Kaniya.

At nang naisin Niyang magpakita ng biyaya at pagpapala sa tao, at isaayos ang daigdig, nagpahayag Siya ng mga dapat isagawa at lumikha ng mga batas; kabilang sa mga ito, itinatag niya ang batas sa pag-iisang dibdib, ginawa itong gaya ng isang moog sa ikabubuti at kaligtasan, at iniutos ito sa atin doon sa pinapanaog Niya buhat sa langit ng kabanalan sa Kaniyang Pinakabanal na Aklat. Sabi Niya, dakila ang Kaniyang kaluwalhatian; “Magsipag-asawa, O mga tao, upang harinawa ay magsilang kayo noong babanggit sa Akin na kasama ng Aking mga tagapaglingkod. Ito ang Aking utos sa inyo; mangapit nang mahigpit dito bilang tulong sa inyong mga sarili.”

 

Permanent Link

 

Luwalhati sa Iyo, O aking Diyos! Tunay, ang Iyong tagapaglingkod at Iyong babaeng naglilingkod ay natitipon sa lilim ng anino ng Iyong kahabagan at sila’y pinag-isa sa pamamagitan ng Iyong pagtatangkilik at kagandahang loob. O Panginoon! Tulungan sila sa daigdig Mong ito at sa Iyong Kaharian at itadhana para sa kanila ang bawat mabuti sa pamamagitan ng Iyong pagpapala at biyaya. O Panginoon! Pagtibayin sila sa pagsisilbi sa Iyo at tulungan sila sa paglilingkod sa Iyo. Loobing sila’y maging mga tanda ng Iyong Pangalan sa Iyong daigdig at kalingain sila sa pamamagitan ng Iyong mga kaloob na hindi masasaid sa daigdig na ito at sa daigdig na darating. O Panginoon! Sila ay naninikluhod patungo sa Kaharian ng Iyong kahabagan at nananawagan sa lupain ng Iyong kaisahan. Tunay na Sila’y pinag-isang dibdib sa pagsunod sa Iyong kautusan. Loobing sila’y maging tanda ng pagkakasundo at pagkakaisa hanggang sa wakas ng panahon. Tunay na Ikaw ang Walang-hanggang Lakas, ang Sumasalahat at ang Makapangyarihan sa Lahat!

 

Permanent Link

 

Siya ay Diyos! O walang kapantay na Panginoon! Sa Iyong dunong na makapangyarihan sa lahat, iniatas Mong magsipag-asawa ang mga tao, upang ang mga salinlahi ng tao ay magsusunod-sunod sa walang katiyakang daigdig na ito at upang magpakailan man, habang ang daigdig ay nananatili, sila’y maging abala sa pintuan ng Iyong pagkaisa sa paglilingkod at pagsamba, nang may pagbati, pananambalan at pagpupuri. “Hindi ko nilikha ang mga espiritu at mga tao, kundi upang sila’y sumamba sa akin.” (Qur'án 51:56) Kung gayon, pag-isahing dibdib Mo sa langit ng Iyong habag ang dalawang ibong ito ng pugad ng Iyong pag-ibig, at gawin silang tagapang-akit ng walang hanggang biyaya; nang upang sa pag-iisa ng dalawang dagat na ito ng pag-ibig ay dumagsa ang isang alon ng pagkamasuyo at ihagis ang mga perlas ng dalisay at mabuting supling sa dalampasigan ng buhay. “Pinawalan Niya ang dalawang dagat, nang upang magkatagpo sila: Sa pagitan nila ay may isang hadlang na hindi nila matawiran. Alin sa mga pagpapala ng iyong Panginoon ang iyong itatanggi? Buhat sa bawat isa, Siya ay naghahango ng malalaki at mumunting perlas.”(Qur'án 55:19-22)

O Ikaw na mabait na Panginoon! Gawin Mo ang pag-iisang dibdib na ito ay makapagbigay ng korales at perlas. Tunay na Ikaw ang Malakas sa Lahat, ang Pinakadakila, ang Laging Nagpapa­ tawad!

 

Permanent Link

 

O aking Panginoon, O aking Panginoon! Itong dalawang maningning na liwanag ay pinag-isang dibdib sa Iyong pagmamahal, pinagsama sa paglilingkod sa Iyong Banal na Dambana, magkaisa sa pagtulong sa Iyong Kapakanan. Gawin Mong ang pag-iisang dibdib na ito ay maging tulad ng mga nilalakarang liwanag ng Iyong nag-uumapaw na biyaya, O aking Panginoon, ang Maawain sa lahat, ang mga maluningning na silahis ng Iyong mga pagpapala, O Ikaw na Mabait, ang Laging Nagbibigay, upang mayroon mga tutubo dito sa dakilang puno na mga sanga na yayabong na luntian at malusog sa pamamagitan ng Iyong mga ulap ng pagpapala.

Sa katunayan, Ikaw ang Mapagbigay. Sa katunayan, Ikaw ang Makapangyarihan. Sa katunayan, Ikaw ang Mahabagin, ang Maawain sa Lahat.

 

Windows / Mac